Chapter 17 ♥ Shinobi Yakuza

41.3K 440 76
                                    

Dedicated sa kanya! :D Thank you 'tol sa pagbabasa ng mga stories ko! Godbless always and keep inspriring!

♥♥♥

Chapter 17 

Serene's POV

Ang unang pumasok sa isip ko ng bigla akong dakpin ng mga di kilalang lalaki ay ang pagbubugbugin silang lahat hanggang sa hindi na sila sikatan ng araw. Pero naisip ko rin, kung tao sila ni The Highest na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin, hindi ba't mas maganda na kusa na lamang akong sumama sa kanila at ng matapos na naudlot na problema na iniwan ni The Highest? Sya lang naman ang problema. Ang nag-iisang pangamba sa tahimik naming buhay.

Choice number one or number two? Alin nga ba sa dalawa?

Babaliin ko na sana ang kamay na nakabusal sa bunganga ko ng may biglang nagsalita. 

"W-hoa there! Wait!" sabi ng isang tinig na parang pamilyar sa akin. Sa loob ng van, initusan nya ang mga kasama na bitawan ako. Unti unting nawala ang mga kamay na kanina lang ay mahigpit na nakahawak sa akin. Karamihan sa kanila ay lumayo ng may distansya pero ang lalaking nagbusal sa bibig ko kanina ay hindi ko pa rin binibitawan. Hanggat hindi ko nalalaman kung sino sila at kung bakit nila ako kinuha, hindi ko sya bibitawan. 

Narinig kong umaray ang lalaki na hawak hawak ko pa rin ang kamay. Hindi ko namalayan na habang tumatagal pala eh humihigpit na ng humihigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. 

"GClef wait! We're not enemies" nagtaas ng kamay ang lalaki na nagsalita kanina. May maskara sa mukha nya at ganun din ang iba nyang mga kasama.

Teka-- GClef? Paanong--

"Who are you?" makamandag kong tanong, puno ng akusa sa aking tinig. 

Dahan dahan, ay unti unti nitong itinaas ang dalawang kamay sa hangin na parang sumusuko. Pati ang suot nyang maskara ay tinanggal nya. Doon ko lang nakita na ang tao pala sa harap ko ay walang iba kundi ang leader ng Shinobi Gang o kilala rin sa Shinobi Yakuza na tinulungan ko noon sa Battle of the Gangs. Ally namin sila at mabuti syang pinuno. Pero anong ginagawa rito? 

"I can explain," aniya matapos makita ang gulat na gulat na reaksyon ng mukha ko "but can you please let go of him? We will not hurt you and you have my word." 


Naguguluhan man ay agad kong binitawan ang kasama nya. Halos lahat sila ay nagtanggalan na ng maskara kaya maaliwalas ko ng nakikita ang mga mukha nila. Gayunpaman, medjo tense pa rin ang katawan ko in case na may mangyaring hindi kaaya-aya. Alam ko may isa syang salita pero mas mabuti na ang nakakasigurado. 

"What's happening here?" naguguluhan kong tanong. 

"We're about to have a private meeting with you in your school but then, we saw some shadows lurking around and following you when we saw you in the parking lot. You're too occupied talking to that woman when they're about to attack-- and that's when we pull you inside the van to prevent some commotion." paliwanag nya. 

Ibig sabihin, ang mga mabilis na paggalaw na napansin ko kanina ay iba pa bukod sa kanila? Sino naman kaya sila at anong kailangan nila sa akin? Siguro nga iniligtas pa nila ako, taliwas sa akala kong pangingidnap.  

Tinitigan ko sya mata sa mata kung nagsasabi nga ba sya ng totoo. Wala akong makitang kasinungalingan kaya nakahinga ako ng maluwag. Kilala ang mga leader ng Shinobi na may isang salita. And I believe him. 

"You came to our school to talk about something? What is--" 

May bigla kotse ang bumangga sa sasakyan namin. Dahil dito, mas lalo pang binilisan ng nagmamaneho ang sasakyan para hindi kami maabutan. Marami mang kotse sa paligid, tila ba ang kotse namin at ang isa pang kotse na bumubunggo sa amin ang syang naghahari sa daan. Bawat arangkada namin ay sya namang bangga nila. Ito kaya ang tinutukoy nilang may gustong lumusob sa akin kanina? Kung ganun, sino sila?

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon