Chapter 14 ♥ Operation 101

43K 432 32
                                    

Dedicate to one of the reader who made this fantabulous fansign! (Check it out! ---> :) Godbless always dear and keep inspiring!

♥♥♥

Chapter 14

Dumaan ang bawat klase na parang isang nangangarerang kabayo sa aking paningin. Napakabilis kasi at lahat nakakapagod. Hindi literal na pagod kundi pagod sa isip, napiga kasi talaga ang utak ko sa mga subjects na tinalakay namin ngayon. Nagsimula na ang mga lessons at unang araw pa lang ng lesson may project na! Akalain nyo yun! Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil nakasurvive ako kahit papaano. Hanggang sa naglunch. Papunta na ako ngayon sa cafeteria dahil nagtext sa akin sila Rico na nandoon na raw silang lahat at hinihintay ako. 

Paliko na ako sa isang hallway ng may makita na isang grupo ng estudyante na nagtatawanan. Walang masama roon dahil normal lang naman ang nagtatawanan kayo ng mga kaibigan mo. Pero ang tumawa ng dahil sa meron kayong pinagkakaisahan at inaapi? Yun ang hindi maganda. 

Dali dali ko silang sinuway at isa isang pinagsabihan. Dumaan pa ako sa maraming hallways at marami akong nakikitang ganitong mga eksena. Karamihan sa mga nabubully ay yung mga scholar, matataba, ang kung anu-ano pang makita ng ibang estudyante na pwedeng pagdiskitahan. Napailing ako. 

 

"Anong nangyari sayo? Bakit busangot 'yang mukha mo?" tanong ni Niel pagkaupo na pagkaupo ko sa may mesa namin sa cafeteria. Nandito na silang lahat; sila Niel, Nyree, Kelly, Reece na kumaway ng makita ako, Shane at Nathan na busy na sa paglamon ng pagkain nila, pero si Jace, Julian at Rico missing in action yata hanggang ngayon.

"Wala." itinaas ko ang isa kong kamay para sabihin sa kanila na wag na nila akong pansinin.

Malungkot ako dahil sa maraming bagay. Malungkot ako dahil gutom, malungkot ako dahil hanggang ngayon marami pa ring bullies, malungkot ako dahil wala pa rin sila Rico, Julian, at Jace at higit sa lahat malungkot ako dahil hanggang ngayon mahirap pa rin ang Pilipinas. See, malungkutin talaga akong tao kaya hindi na dapat ako pinapansin. Dahil kahit yata problema ng buong mundo prinoproblema ko. Hay buhay parang life. 

"Saan nga pala yung tatlo?" pag-iiba ko ng usapan kahit na ba lahat sila eh nakataas ang kilay para sa isasagot ko bukod sa nakakatamad na 'wala'. 

Tinuro ni Nyree ang mga missing people na hinahanap ko gamit ang nguso nya "Ayun o,"

 Tumingin ako sa likod kung saan ang tinuturo nya at nakita ang tatlo na may dala dalang tray ng pagkain. Lalo na si Rico? Oh gulay! Inimbak na yata ang lahat ng pagkain nya sa buong taon sa kawawang tray na dala.

"Rico okay ka lang?" nanlalaking matang tanong ko pagkarating na pagkarating nila sa mesa namin. 

"Kulang pa nga 'to babes eh," kindat nya "Paano ba yan, tsibugan na!" 

***

Pagkatapos ng lunch sabay na kami ni Jace na pumasok sa susunod na subject namin which is Filipino. Nadaanan namin ang last year class adviser namin noon sa Grade 10 Section A na si Mr. Romero. Nagkamustahan tapos kinausap nya sandali si Jace. Nagpaalam naman ako saglit dahil may kukunin ako sa lockers ko na nasa isang likuan na lang naman. 

Pagbalik ko para balikan si Jace, wala na si Mr. Romero sa harap nya kundi isang babae na kundi ako nagkakamali ay nasa lower year. Grade 7 or 8? Hindi ko sure pero sigurado akong mas bata sya sa amin. Kausap nya si Jace at may iniaabot sa kanya. Huminto ako sa kinatatayuan ko di kalayuan sa kanila. 

"Jace please? Will you accept this? Crush na crush kasi talaga kita eh." narinig kong sabi ng babae habang nakayuko at pilit na iniaabot kay Jace ang regalo na hawak. Hanggang dito kitang kita ko ang pamumula ng mukha nya. Walang imik na tiningnan sya ni Jace na nakabulsa ang dalawang kamay. Dala dala nya sa kabilang braso ang bag ko na pinahawak ko sa kanya kanina. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon