Chapter 56 ♥ Second Chance?

22.5K 462 121
                                    

A/N:

Ito na yata ang pinakalongest chapter posted ko up to date LOL. Kaya super maappreciate ko talaga kung ipopost nyo sa ang mga comments nyo tungkol dito :)) Magandang morning pala sa inyong lahat! At dedicated ito sa kanya! Super thank you dear sa napakahaba at napakatouching na message na iniwan mo sa Message Board ko. PAulit ulit ko yung binasa. Medjo speechless ako kaya hindi nakapagreply. Kaya dito ko na lang ihahatid ang pasasalamat ko. Maraming salamat Godbless always ang keep inspiring!

Hindi ko na patatagalin. Enjoy!

♥♥♥

Chapter 56

Sa araw ng meeting kung saan namin pag-uusapan ang mga susunod na hakbang sa sinasabing pagsugod ni The Highest sa gang namin, hindi sumipot si Pietr.

Idrinums ni mama ang mga daliri sa mesa sa harap nya. Sa loob ng kwarto, kaming dalawa lang ang narito. Kanina pa kami naghihintay pero wala pang dumarating. Ang plano sana namin ay ipapakilala namin ang Ellipses sa Serendipity gang bilang Ally. Plano rin namin ni mama na idala si Pietr sa Ellipses headquarters para mapagplanuhan ang mga gagawin naming hakbang.

Noong inihinto nya ang pagdrudrum, tumingin sya sa akin.

"Nag-away ba kayo? May ginawa ka ba na nakapagpabago ng isip nya?"

Iniangat ko ang ulo ko para magpaliwanag pero naabutan ko lang ang seryoso nyang mukha na pamilyar na pamilyar sa akin. Kapag ganyan na si mama, wag mo na syang kakalabanin dahil kung hindi, makakakita ka ng isang dragon na hihilingin mong hindi mo na sana ginising. Nilaro ko ang suot na gclef sa kamay sabay iwas ng tingin sa kanya. Hindi ko naman akalain na mauuwi ang ganito sa lahat.

"Serene naman, iyon na nga lang ang hinihiling ko sayo hindi mo pa magawa. Kailangan natin dito si Pietr dahil kung hindi mahihirapan tayo. You're the new gangster queen now. Parati mo dapat iisipin ang mas makakabuti sa nakararami, huli ang para sa sarili mo." Idinabog nya ang mga kamay sa mesa na talaga namang nakapagpagulat sa akin. Kapag si mama na talaga ang galit, matakot ka na. No wonder kung saan ako nagmana. 

"You need to fix this. Dahil kapag ako ang nagalit, pababalikin kita sa Canada ngayon din."

***

Yan ang dahilan kung bakit ako nasa harap ng tinutuluyan ni Pietr ngayon. Dahil hindi maharap ni Niel na samahan ako ngayon dahil sa banda, si Aziel ang naging drayber ko. May ilang beses kong chineck kung tama nga ba ang address at room number na ibinigay sa akin ni mama. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ako nandito. Kapag si mama kasi ang nagbigay ng banta kadalasan nagiging totoo.

Basta ang akin lang, ayoko pang bumalik sa Canada.

Room 3711. Pinindot ko ang doorbell sa may pintuan. Tumingin ako sa buong paligid. Grabe ang tahimik dito sa apartment building na ito. Hindi na ako magtataka dahil sa building na ito, ito na yata ang pinakahuling palapag sunod sa may rooftop. 37th floor kung hindi ako nagkakamali. Ang taas taas at talagang sa dulo pa ang kwarto nya.

Nagdoorbell ulit ako subalit walang sumasagot. Noong sinubukan kong buksan ang pinto, nagulat ako noong makitang bukas ito. Wala man lang syang balak magsara ng pinto? Ayos din sya ah.

"Hello? Tao po? May tao ba?" 

Sumilip ako sa loob pero para namang walang tao. Nag-aalangan akong pumasok. Naku! Kung hindi ko lang talaga kailangang gawin ito, hindi ako pupunta rito eh. 

"Hello? Pietr? Nanjan ka ba?"

Bawat pag hakbang ko sa di-karpet nyang sahig at talaga namang napaka-'awkward'. Animo'y isa akong magnanakaw na nanghihimasok sa lugar kung saan wala naman akong karapatan.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon