Chapter 38 ♥ Three-Eleven Deal

29.7K 346 55
                                    

Chapter 38

Dahil sa palakas na palakas na pag-ulan, medjo mabagal ang pag-usad ng kotse ni Pietr. Kalangan din naming mag-ingat lalo na at madulas ang daan. Ang tagal din naming naipit sa traffic kaya noong may madaanan kaming isang restaurant, huminto muna kami roon at saka kumain. 

"Ako na ang magbabayad. Pambawi ko sa free ride na binigay mo."

Binuksan ko ang bag ko at saka hinanap ang pitaka ko. Pero noong hindi ko ito mahanap, doon ko lang napagtanto na iniwan ko pala ito sa sasakyan namin kanina. Napasampal ako sa noo ko. 

"Sabi ko kasi sayo ako na," tapos nagtawag si Pietr ng waiter. Sya na ang pinagpili ko tutal sya naman ang magaling jan. Tagakain lang talaga ang talent ko. Noong umalis yung waiter, ngumiti sya sa akin. Sinimangutan ko sya. Pero imbes na mainis ay tinawanan nya lang ang reaksyon ko. 

Bakit ba panay na lang ang tawa nitong lalaking 'to ngayon? Kung makangiti pa wagas.

"Ang dami mo namang inorder. Sigurado ka bang mauubos natin lahat ng iyon?" 

"Sayo pa lang, magtataka pa ba ako?" Binigyan ko sya ng tingin sabay hagis ng isang tissue sa direksyon nya. Ayan na naman yung nakakainis nyang tawa. 

Nabalot ng katahimikan sa pagitan namin. Ayokong magsalita. Ano bang sasabihin ko?

Ulan. Bakit ayaw mo pang tumila? Gusto ko ng umuwi.

"Pwedeng pahiram ng phone mo?" wala pa rin kasing signal ang akin hanggang ngayon.

"Sorry. Dead bat." pailing nyang sagot. 

Parang unti unti ko ng pinagsisisihan na sumakay pa ako ng kotse nya...

"Give me a number." wika nya out of the blue. Hindi na ako magtataka, Pietr loves numbers. Bakit ba ang mga lalaki gustong gusto ng math? Sana nahawaan din ako kahit kaunti lang.

"Bakit?"

Kadalasan kasi, hindi nya sasabihin ito ng walang dahilan. Binigyan ko sya ng mapanuring tingin. May something dito, I can feel it. 

"Basta. Just give me a number. Anything you like. Anything that comes to mind first will be better."

I'm not really sure if this one is a good thing or not but... here it goes.

"Two." 

"How about twenty-four?" 

Tinaasan ko sya ng kilay. "Pinagpili mo pa ako di ba? Ikaw rin pala ang masusunod." 

Imbes na mawalan ng gana sa kasungitan ko, he showed me his famous wop sided smile. 

"We both know that aside from me, you really know the drill of this game. So just follow the flow."

 

Psh. Paanong hindi, kami kayang dalawa nag-imbento nitong 'number game' na pilit nyang pinapalaro sa akin.

"Three." alok ko. 

"Twelve." 

"One." 

Pasimple nyang kinagat ang baba ng kanyang labi. Isa sa mga kilala kong habit nya sa tuwing may bagay syang hindi gusto pero ayaw nyang sabihin. 

So ayaw nya ng mababang number. Napangisi ako. 

"Seven." sabi nya. Tumitig sya sa mga mata ko. 

Sandali akong uminom ng tubig na kabibigay lang ng waiter. "Zero." dahan dahan kong sambit. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon