Extended Ending: Part Three

3.3K 81 19
                                    

Extended Ending Part Three:

Two Souls Colliding to One


Kinatok niya ang pinto ko. "Serene? Is there something wrong?" narinig ko ang pagtataka na may halong pag-aalala sa boses niya.

"Just go home Jace." taboy ko pa. Ishihara ko nag pinto. "Matutulog na ako."

"What? I thought you want me here?"

"Just go home!"

"Bakit? I don't understand—"

"Hey, Jace! Nahanap mo na ba si Serene?" boses ni Kuya Paul.

"Nasa loob siya ng kwarto niya."

"Oh really? That's good. Anyway it's getting late. Alam kong pagod din kayo sa biyahe kaya dito na kayo matulog ngayong gabi. Wala ka pa raw tulog sabi ni Nathan since kaninang umaga. Tapos galing ka pa sa work 'di ba? Ang layo pa ng byinahe nyo. Go and have some rest."

Binuksan ko ng konti ang pinto at bahagyang sumilip.

"Will do. Thanks Paul."

"Maraming guest room diyan. Please feel at home. Choose whatever you like. Sige, good night."

Marahan na lamang na tumango si Jace. Noong makaalis si Kuya Paul ay napahapo siya sa sentido sabay pikit na tila ba may masakit sa ulo niya.

"Wala ka pa raw tulog?" bulong ko sa kanya habang nakasilip ng konti roon sa maliit na puwang na ginawa ko sa pinto.

Ugh. Gusto ko pa sanang mang-away pero hindi ko talaga matiis ang lalaking ito.

Malungkot siyang napangiti sa akin at saka umiling.

Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto ng kwarto ko. I gave him a shy smile. "Why don't you wash yourself first para makapagpahinga ka na? Dito ka na sa kwarto ko matulog." tango ko pa roon sa loob.

He gave me a smile. He even looked relieved. "Thank you."

Nakahiga na ako roon sa kama noong lumabas na siya sa may banyo na bagong ligo. Suot niya ang isang blue lined shirt at gray jogging pants na pinahiram ni Kuya Niel. Mabuti na lang parehas sila ng size ng damit. Kasalukuyan niyang pinupunasan ng twalya ang basa niyang buhok bago umupo roon sa kama.

Kulang na lang ay mapabalikwas ako ng higa at pinagmasdan lamang siya. Namamangha dahil sa nakikita. Namamangha dahil akin siya.

"Nasabi ko na ba sa'yong ang gwapo-gwapo mo?" Sabi ko sa kanya habang tagilid na nakahiga roon sa kama habang nakapatong ang ulo ko sa isang kamay.

Napahinto siya saglit sa ginagawa. Nakatingin lang siya roon sa may salamin, innocently drying his hair but then I got his attention and I smiled at him. Let me appreciate this handsomeness in front of me.

Ngumiti lamang siya at natatawang napailing.

Umupo ako sa higaan at saka tinapik ang tabi ko.

"Come here. Kwentuhan mo ako kung ano ang nangyari sa Japan. I'm sure you enjoyed it so much."

I saw him rolled his eyes and I laughed. Umupo siya sa tabi ko at hindi na nga niya napigilang magkwento. Alam ko naman na ayaw niyang pumunta roon sa pinakahuling meeting nila sa Japan dahil nandoon ang pinakaayaw niyang investor.

Kinuha ko ang maliit niyang twalya, lumuhod sa likod niya at saka ito pinagpatuloy na punasan.

"I don't understand how hard it was to have a common sense. You know that guy was just sometimes—" napailing na lamang siya sa sarili noong may sasabihin na sanang hindi maganda. "I just don't want to see him again. Sabi ko kay Aiden hindi na kami ulit kukuha ng kahit anong produkto sa kanila. I just can't deal with his shit."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon