Chapter 55 ♥ Start All Over

20.2K 362 65
                                    

Chapter 55

"Serene pumunte rew si Jace sey Pelawen? Bakeyt hindi ke sumama?" Si Julian, habang kinukulit ako rito sa loob ng kotse.

Papasok na kami ng school at kumpleto kaming lahat dito sa kotse. Sabi ko sa kanila magmula ngayon ay sabay sabay na kami ulit papasok sa school. Ginawa ko ito hindi lang dahil namiss ko silang kasama kundi para mas lalo kong mamatyagan ang bawat kilos ng bawat isa. Kasabay rin namin si Niel sa loob. Doon sya sa harap nakaupo. Si Aziel naman sa ikalawang banda, ang nagmamaneho para sa amin. 

"Masyadong malayo. Hindi rin naman lahat ng oras kasama ni Serene si Jace. Di ba?" ani Reece na syang katabi ko sa may kanan. 

Pagkatapos nang pag-uusap namin kagabi, wala na akong narinig mula sa kanya. Halos kanina ko lang nalaman na maagang umalis si Jace ngayon papunta roon. Bukod sa naiinis ako ay masama rin ang loob ko sa kanya. Ano ba naman yung nagpaalam sya sa akin di ba? Alam kong marami kaming hindi pagkakaintindihan. Pero mahirap ba yung kahit itext man lang nya ako na aalis na pala sya agad agad? Akala ko magkaakaayos na kami ngayon. Kanina ko pa sya tinatawagan para humingi ng tawad pero  Dahil sa ginawa nya, mas lalo nyang pinapalala ang sitwasyon. 

"Nagkaaway ba kayo Serene? Kasi kaninang madaling araw pumunta sya sa bahay para magpaalam kay dad na mawawala sya ng isang linggo para sa band practice. Sa seryoso nyang mukha, alam kong may nangyari." Tumingin sa akin si Niel mula sa rear view mirror. Iniwas ko ang tingin at itinuon na lang ang mga mata sa may bintana. Sa totoo lang dahil sa nangyari, wala ako sa mood ngayon. 

"Palagi namang seryoso si kuya Sangoku. Anong bago roon?" sabat ni Nyree na nakapagpatawa kay Kelly at Julian.

Mula sa likod ay may binubuksan silang isang kahon na chocolate cookies na ngayon ay kasalukuyan nilang pinagpapasa pasahan sa loob. Kahit pa nakakaakit ang bagong lutong amoy nito, dahil sa kawalan ng mood, wala rin akong gana. Iniluto ito ni mama kasama si ate Desi para raw baon namin. Ngunit sa ginagawa nilang paglamon, siguradong hindi na ito aabot para sa unang recess mamaya sa klase.

"Hindi. Kilala ko si Jace." depensa naman ni Niel. "Iba ang aura nya kapag yung normal na seryoso lang kaysa roon sa seryoso na wala sa mood at malungkot. Alam nyo yun?" 

"I don't know. Jace looks the same to me all the time though." sambit ni Julian na nakikipag-agawan pa kay Nyree ng huling cookies sa loob ng kahon. Inalok nila ako pero tumanggi ako. Kapag talaga si mama at ate Desi ang nagsama para magluto, panalong panalo. 

Tumawa si Reece dahil sa sinabing komento ni Julian. 

"Hoy teka sandali tirahan nyo ako wag nyong ubusin!" 

"Ate Reece wala na huli ka eh." sagot naman ni Kelly.

"Ang daya naman! Ang sarap kaya nyan!" 

"Sisihin mo si Nyree at kuya Julian. Ay hindi! Pati si kuya Niel. Sila ang nakarami!" 

Hinayaan ko silang mag-agawan at magtawanan dahil sa kahibangan nila. Ako naman sa ikalawang banda ay abala lang sa pagtitig sa mga puno sa labas ng bintana. Siniko ako ni Reece noong mapansin na tahimik ako. 

"Ayos ka lang?" Sandali ko syang tiningnan sa mga mata pero agad ding iniiwas iyon. Kahit na ba matingnan sya sa mga mata ay hindi ko magawa. Lalo na at malaki ang posibilidad na sya nga ang traydor sa loob ng gang ko. Ayokong makita nya ang lungkot sa mga mata ko. 

Pagdating sa school ay nagkahiwahiwalay na rin kami. Inaya pa ako ni Niel na sumama sa band room kasama nya pero tinanggihan ko ito. Hindi ko alam pero wala talaga ako sa mood ngayon. Alam kong ramdam din ito ng mga kasama ko dahil noong mapansin na hindi ako nag-iingay kanina, bigla silang tumahimik. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit pa ako pumasok sa school ngayon. Siguro ay dahil kung mananatili rin ako sa bahay, wala rin akong magagawa. Mas mabuti ng nandito ako sa labas para makalanghap ng sariwang hangin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon