Chapter 6 ♥ Rico's Cousin

52.8K 595 38
                                    

Pasensya na po sa late UD! Pero ngayon ako'y nagbabalik! Surprise! Surprise! May UD na!! ^O^)/

Ito na pala yung Prize ni Mila sa pagkapanalo sa weekly games noon sa group! Sorry for making u wait for so long dear. Here yah go! Hope u like it! ;)

At Dedicated sa kanya!! Thank you! Thank you so much dear sa Fansign! Stay beautiful! Godbless you!! 

And don't forget to VOTE AND COMMENT!! I like to hear anything from you guys :D

Enjoy!

P.S. Not Edited yet. So sorry for any errors. 

***

Chapter 6

Dumating kami ni Jace sa restaurant na sinabi ni Rico. Tawa kami ng tawa dahil sa ginawa naming eksena kanina. Buti na lang nakatakas kami sa mga taong humahabol sa amin. Aba, medjo mahaba habang takbo rin yun ah! Kinikilig kilig pa rin ako dahil sa di inaasahang pangyayari na ginawa nya. Hindi ko kasi talaga inasahan yun, nakakagulat talaga. 

 "Waah! Bakit mo kinain? Akin yun eh!"

"Ako kayang nag-order! Inubos mo na ngang lahat eh. Hindi ka man lang nagtira!"

Kapapasok lang namin sa restaurant kung saan sinabi nila Nathan kung nasaan sila pero ito agad ang tumambad sa amin. Grabe naman yung mga nag-iingay na yun abot hanggang labas. 

"Alam mo namang favorite ko yun eh!"

"Che. Food stealer!"

"Selfish monster!"

"Ah ganun pala ah. Hetong sayo!"

Hindi namin alam ni Jace kung matatawa kami o maiiyak sa nadatnan naming kaganapan sa mesa ng mga kabarkada namin. Sa isang mesa sa may bandang sulok ng resto nakita namin sila Shane na nakaupo. Sa tapat naman nila ay sila Rico, Nathan at isang pigura ng babaeng ngayon ko lang nakita.  Nagkalat ang icing sa paligid pero ang mas nakakagulat ay ang mukha ni Nathan na punong puno rin ng icing. Sandali pang katahimikan ang naganap at pagkatapos nabalot ng tawanan sa buong mesa. Thanks to Rico na syang unang nagpasimuno. 

"Haha! Pare bakit hindi mo man lang inilagan? Ikaw tuloy ang natamaan imbes na ako! Hahaha!" 

"Rico!"

"Hahaha oo na, oo na titigil na pero kasi.. k-kasi... hahaha! Ang epic kasi ng mukha mo pare! Teka't mapicturan nga." 

Wala pang ilang sandali dinamba na ni Nathan si Rico na naluluha luha na sa kakatawa. Pinipilit nya kasing agawin ang cellphone ni Rico na ginamit nya pampicture pero si Rico syempre ayaw magpatalo. Sa ikalawang banda naman, nakatayo pa rin yung babaeng kasama nila habang nakayuko. Halata ang pamumula ng mukha nya dahil sa nangyari. Kundi ako nagkakamali sya ang may kagagawan ng icing sa mukha ni Nathan na dapat sana ay kay Rico. Ngayon alam ko na. Kung hindi ako nagkakamali yung boses na naririnig naming nagtatalo kanina pagpasok ay sa kanya at kay Rico. 

"Waah! Mila tulungan mo ako! Makukuha na ni Nathan yung cellphone!" Sigaw ni Rico. Kinakatay na kasi sya ni Nathan sa sahig. Tawa pa rin sya ng tawa na parang timang. Napapalo na lang ako sa noo ko dahil sa nakikita na pinaggagagawa ng mga kasama ko sa loob ng isang exclusive lang naman na restaurant. 

Lalayo na lang ako at hindi lalapit. Pasensya na po. Hindi ko sila kilala.

Lumapit naman yung babae na tinawag ni Rico na Mila. Pati sya ay nakikipag-agawan na rin ng cellphone doon sa dalawang mokong na naggagantilan sa sahig. Teka wait. Mila? Saan ko na ba narinig yung pangalan na yun?

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon