Chapter 62 ♥ Forgiven

18.8K 399 100
                                    

Chapter 62

Wala na akong nagawa kundi dumiretso sa ospital pagkatapos ng paglalaban namin ni Julian. Ilang beses akong tumutol pero dahil sa pinagsamang pwersa nila Jace, Niel at Pietr, kulang na lang ay itali nila ako sa higaan wag lang akong umalis. 

Ilang araw na ang lumipas pero kahit pa ganun, nanatili pa rin ang mga pasa at sugat sa balat ko mula sa paglalaban na naganap. Sugat na iniwan...pati na rin sa puso ko.

May ilan akong bale sa katawan. Isa na roon ang sa paa. Dahil sa suot na cast ay mapipilitan akong gumamit ng saklay ng ilang araw. Meron din akong mangilan ngilang pasa sa katawan at sugat sa mukha. Sa totoo lang malimit lang akong masaktan ng ganito sa isang laban. Nagkataon lang na malakas din si Julian katulad ko. We are both a leader afterall. 

Julian. Sa pagkakaisip ng pangalan nya ay nakaramdam ako ng lungkot kasabay ng sakit na naramdaman dito sa puso ko.

It will never be the same again. It will never be. 

"Nagdala ako ng prutas para sayo Serene. Bumawi ka muna para mabilis mong mababawi ang lakas mo." 

Ibinaba ni Niel ang dalang basket na puno ng prutas. Umupo sya sa tabi ng higaan ko. Ngumiti sya sa akin at iniabot ang isang mansanas.

Ang ngiting yun...namiss ko yun. 

"Salamat." kinuha ko ang mansanas sa kamay nya. 

It was nice for everything to be back to normal again. Pero alam ko sa sarili ko, na hindi totoo yun. Masyado ng maraming nangyari. Ang 'maibalik pa sa normal ang lahat' ay mukhang matagal pa bago tuluyang mangyari.

Noong una akong gumising dito sa ospital ay nagpumilit ako na pagplanuhin na namin agad ang pagsalakay kay The Highest. Marami na syang nagawa para magbigay ng dahilan na sugudin namin sya. Hanggang ngayon ay nagdudusa pa rin ang mga gangmates ko sa pagkasira ng headquarters namin pati na rin ang pagkawala ni Lady Magdaleine. Hindi ko pwedeng palagpasin ang lahat ng iyon. Kailangan nyang magbayad. Kailangan nyang matikman ang galit ng Ellipses kapag kami ang sinubukan. 

Pero tumutol si Niel si plano ko dahil wala pa raw ako sa kundisyon. Masyado pa akong mahina para sumabak na naman sa panibagong laban. Masakit mang isipin ngunit totoo ang lahat ng sinabi nya. Sa hindi inaasahang sandali ay sumang-ayon din dito si Jace pati na si Pietr. Ito na yata ang isa sa mga bagay na pinaka-una nilang pinagkasunduan magmula noong makita ko silang magkasama. Sumang-ayon na lang ako dahil ayokong sirain ang oras na iyon. Kailangan naming pagplanuhan ng mabuti kung susugod man kami. Kailangan naming pag-isipan ang lahat. Masyado ng marami ang nasaktan. I can't afford to lose another set of my men. 

Masakit mang isipin ngunit lahat ay may eksepsyon. Kaya kong patumbahin ang kahit sino o kahit na ano pang gang pero pagdating sa tuso na si The Highest ay nahihirapan kami. 

Paghahandaan ko talagang mabuti ang paghaharap namin ni The Highest. Dahil sa susunod na magtagpo ang mga landas namin, iyon na ang huling beses para sa kanya na huminga rito sa mundo. 

Narinig kong napabuntong hininga si Niel sa tabi ko. Wala ang tingin nya sa akin kundi sa malayo. Mukhang may iniisip sya, malalim. He looks troubled. Parang may malaki syang problema at hindi nya alam kung paano ito haharapin. 

"Niel? May problema ba?" Hindi sya sumagot. "Niel?"

Hinawakan ko sya sa may balikat at nagulat sya ng konti.

"Sorry sorry. May sinasabi ka?" kabado syang ngumiti. Bahagya pa syang napakamot sa ulo dahil sa di sinasadyang paglipad ng isip noong kinakausap ko sya. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon