Chapter 3 ♥ Partners In Crime

58K 721 57
                                    

A BIG SHOUT-OUT FOR HER! FOR CREATING SUCH A CREATIVE FANSIGN! TOTALLY LOVE IT!! GODBLESS DEAR AND KEEP INSPIRING! ♥ ---> (check it out!!)

Thank you sa mga Listneres na nakijoin sa game! Join join lang! Sayang din yung prize. Palalagpasin nyo ba yun? *winks*

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT.

Thanks for waiting! ;)

♥♥♥

Chapter 3

Pagkatapos ng interview noong araw na yun nakatikim ng sermon ang tatlo kay Julian na pinaka-bigbrother namin sa banda. Alam kasi ni Julian na masyadong malungkot ang nakaraan na yun para sa akin. Pero sabi ko naman sa kanya ok lang matagal na yun eh at masaya na ako ngayon. At isa pa, alam ko namang hindi nila sinasadyang mailagay ako sa sitwasyon na yun. Masyado lang talaga syang protective sa akin kaya ganun na lang sya makapagreact. Magmula nung mawala si kuya Zen na kapatid ko tila ba si Julian na ang nagtake ng responsibility para maging kapalit nya.

Kahit medjo chickboy yan kung minsan sya pa rin ang kadalasang pinakamature na mag-isip sa aming lahat. Aaminin ko, may pagkaisip bata rin kasi ako minsan eh hahaha

"Ate sori na talaga," si Nyree

"Hindi naman kasi namin alam na si kuya Pietr ang ilalabas nya eh akala kasi namin si kuya--" -Kelly

"Ano ba kayo okay lang yun!" 

Isa-isa ko silang tinapik tapik sa balikat habang tumatawa ng pagkalakas lakas. Masyado kasi silang kabado eh natatawa na lang ako sa mga mukha nila. Si Reece naman napapatingin na lang sa akin at napapakamot marahil sa kawalan ko ng kadelikadesa bilang isang babae. Feminity kung baga. Kung makatawa ba naman din kasi ako wagas sabay subo ng pagkain sa bunganga na parang taga-bundok. Nganga na lang talaga sya.  

"Seriously Serene? Kailan ka ba matuto ng GMRC?" tanong sa akin ni Reece na may ngiwi sa maganda nyang mukha. Sabi sa inyo eh. 

"Ito naman pinapatawa ko lang kayo, KJ mo!" 

Pabiro kong ibinato sa kanya yung isang chips na isusubo ko na sana. Madali naman nya itong nailagan ng walang kahirap hirap. Umupo na na rin sa tabi ko sila Nyree at Kelly at sinimulan na ring kumain ng mga pagkain na nakalapag sa mesa. Nandito kasi kami sa may sala sa bahay habang nanonood ng movie. 

"Rene!" Reklamo ni Reece nung simulan ko ulit syang hagisan ng chips. Wahaha pagbigyan na, nakahithit ako ngayon eh. Ang sarap mang-asar.

"Kelly sigurado ka bang tinawagan mo sila Nathan para sa movie marathon ngayon? Eh bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?"

"Sabi naman nila kuya Shane parating na sila."

"Ang tagal naman!"

Napahinto ako sa pagkain at napa-isip dahil sa usapan nila Nyree at Kelly. Oo nga naman sabi namin dapat nandito na yung mga yun kanina pa pero hanggang ngayon wala pa rin. Siguro dumaan na naman yung mga yun sa grocery store at bumili ng maraming pagkain. Hay anu pa nga ba, meron kasi kaming kakilala na hindi mabubuhay ng walang pagkain eh.

"Helloooo!!!!"

Sabay sabay kaming apat na napatingin kung saan nanggaling ang boses na yun. At speaking of, dumating na ang mga boys na may halos sampung plastik ng pagkain sa mga kamay nila. Sinalubong namin sila sa may pinto ng bahay.

 "Pasensya na late kami ah. Si Rico kasi eh!" Siko ni Nathan kay Rico. 

"Ano na naman! Ako na naman? Ako na lang palagi? Nakakasakit ka na ng feelings pare ah!" Maktol nitong sagot. Padabog nyang ibinaba ang dala dalang supot sa sahig at nakasimangot na kinalkal ito. Matapos mahanap ang hinahanap dali dali nya itong binuksan sabay subo sa bunganga nya. Isang bagong lutong tinapay kung hindi ako nagkakamali. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon