Extended Ending: Part Two

3.8K 113 19
                                    

Extended Ending Part Two 

Lumipas pa ang maraming araw, linggo at buwan na nauwi sa taon. Naging kaibigan na namin ni Clarisse si Mitch kasama ni Sophia na pinakilala namin noong isang araw na naghang-out kaming apat sa mall. Panay ang kwentuhan at tawanan naming apat sa tuwing nagkakasama kami. Friendly man si Mitch ay naroon ang aura niya na medyo seryoso ng kaunti kapag sinaniban saka ang lalim niyang kausap. Parang kapag nag-uusap kami ng walang kwenta ni Clarisse minsan siya may ibang malalim na interpretasyon sa maraming bagay. Sa aming apat parang dalawa lang kami ni Clarisse ang pinakamaingay pero kumpara sa akin mas maldita si Clarisse. Si Sophia masyadong tahimik at mahiyain. Minsan nga nagtataka ako kung paano kaming apat na nagkakasundo.

"Magkakaroon daw ng High School Reunion." Sabi sa akin ni Kuya Niel isang araw bago ako bumalik sa apartment namin ni Clarisse bago magsimula ang klase kinabukasan.

"Talaga kuya? Kailan daw."

May inilabas siyang brochure na ayon sa kanya ay pinadala raw via mail noong isang araw.

"Heto o, nakalagay rito December 17, 2015. Thursday. At 2:30 pm daw magkikita-kita tayo sa Princeton dahil magku-cruise raw tayo."

"Christmas party na rin siguro ng batch natin ano?"

"Parang ganu'n na nga."

"Pupunta ka ba?"

"Oo naman, bakit hindi? Lahat invited. Hindi ka ba pupunta?"

Napasimangot ako ng konti.

"Wala si Jace mula first week ng December eh. Baka wala rin siya ng 17."

"Bakit daw?"

"May kailangan siyang puntahan na conference event sa Japan. Magkikita rin daw sila ni Nathan doon."

"Matagal pa naman. November pa lang o, magcecelebrate pa kayo ng birthday nyo. Sabihin mo na lang na umuwi siya ng 17 para makasama siya. Sayang naman kung siya lang ang hindi kasama sa barkada."

"Yun nga eh."

Inakbayan niya ako. "Okay lang yan little sis. Ang isipin na lang natin yung birthday celebration mo. Yieee! Twenty na siya o! Hindi ka na baby! Damulag na!"

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi niya. Heto na naman tayo sa birthday na yan. Tatanda na naman ang tao.

Since ilang araw lang naman ang pagitan ng birthday namin ni Jace ay sabay na lang naming sinelebrate kasama ng mga malalapit na mga kaibigan namin. It was actually a blast. May pasorpresa-sorpresa pang nalalaman sina Kuya Paul, Kuya Niel, Clarisse at Aiden. Oo kasama si Aiden doon. Ayaw man niyang aminin pero sa likod ng garden nakita ko siyang humihipan ng lobo kasama ni Aries upang pangdekorasyon.

Pumunta rin si Mitch pati si Sophia. Kasama rin doon ang buong banda kaya talagang masaya.

Pinakilala ko si Mitch kay Shane at natutuwa ako na makita silang nag-uusap at nagkukwentuhan sa may sulok. Akala mo may sariling mundo.

Naunang pumunta si Nathan sa Japan bago mag-December. Si Jace naman sa ikalawang banda ay sumunod din pagkatapos asikasuhin ang dapat gawin dito sa Pinas. Sabi ko sa kanya may reunion sa December 17. Nangako naman siya sa akin na babalik siya agad para makadalo roon kasama ko.

Tumunog ang cellphone ko. Katulad ng palagi kong ginagawa sa tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa screen ay agad ko itong sinasagot. Hindi ko maitago ang sabik sa aking boses.

"Jace!"

I heard him chuckled. Isang linggo ko lang siyang hindi nakausap pero parang mas lumalim ang boses niya. Parang mas naging mature.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon