Chapter 57 ♥ Three o'clock

21.1K 442 111
                                    

A/N:

Hi my dear! Thank you for being one of my #1 fan! Dedicated sayo 'to. Katulad ng mga ibang nagmemessage sa akin sa message board ko, speechless din ako kaya hindi ako nakakareply. Sobra akong natouch sa message mo. Maraming salamat I'm so happy that you find Serene interesting at talagang nakakarelate ka pa sa kanya. You really made me happy by your message and by that, I can't thank you enough. Keep inspiring always dear! xoxo

Enjoy Listeners! Happy reading!

♥♥♥

Chapter 57

Dalawang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagtetext o tawag sa akin si Jace. Sobra na akong nag-aalala sa kanya. Sobra na rin akong nasasaktan. Paano nya ako natiis ng ganito katagal?

Tinawagan ko na sya at lahat pero wala ring sagot. Hindi na ako mapakali sa sarili ko sa pag-iisip. Galit pa rin ba sya sa akin?

Hinawakan ang dibdib ko. Kailangan kong makita si Jace sa lalong madaling panahon.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Pietr kahit papaano ay naging maayos na sa aming dalawa. Hindi ko na sya iniiwasan tulad noon ngunit patuloy ko pa ring idinidistansya ang sarili ko. Meron pa rin naman akong Jace na kailangang bigyan ng kunsiderasyon kahit pa wala sya rito.

Tulad nang pag-uusap nila ni mama, nakikipagtulungan sa amin si Pietr para mapabagsak si The Highest. Pormal ng naging malakas na Ally ng Ellipses at Serendipity. Bukod sa pagplaplano kung paano namin mapapabagsak si The Highest, malaki ring tulong sa amin ang mga plano ni Pietr para mahuli ang traydor sa gang ko. Kahit na ba nahihirapan ay pilit na nyang iniiwasan ang kaadikan sa ipinagbabawal na gamot. Alam naman nya ang magiging kapalit kapag nagpabaya sya.

Ilang beses ko nang tinawagan at tinanong si Souta kung naaalala nya na. Ngunit hanggang ngayon ay malabo pa rin ito sa alaala nya. Gusto kong ihagis ang cellphone ko sa inis dahil sa tuwing naiisip ko na nalalamangan ako ni The Highest dahil dito. Nawawalan na kami ng oras.

Bali-balita sa ngayon ang mga kaguluhan na nangyayari sa mga kalapit na gang. Sinusugod sila ng Black Savage at sapilitang pinapaanib sa kanila para mas lalong lumakas ang pwersa nila. Iyan ang masasabi mong desperasyon. Gagawin nilang lahat para tuluyan ng mabura sa gangster line ang Ellipses.

Pero bukod sa gang at sa mga traydor may isa pa akong malaking problema, si Jace. Wala ba talaga syang plano na tawagan ako? Tapos kapag naiisip kong kasama nya ang magandang babae na yun mas lalo akong nabwibwisit.

Pinipilit kong magbasa ng libro pero pakiramdam ko lahat ng nababasa ko ay tumatalbog lang sa utak ko. Walang pumapasok. Wala akong maintindihan. Napakuyom ako sa sofa na inuupuan ko. Samu't-saring emosyon ang unti-unting nagsisilabasan sa dibdib ko.

 Dahil sa inis na nararamdaman ay inihagis ko ang hawak na libro sa may pader. Kumalabog ito ng napakalakas. Lukot lukot ang mga pahina nito noong tuluyan itong bumagsak sa naghihintay na sahig.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Anong nangya--" pero noong makita ni Reece ang libro na nakabulagta sa sahig, alam na nya ang ibig sabihin nito. Alam nyang mahal na mahal ko ang mga libro ko at ayokong nalulukot ang mga ito. Isa lang ang ibig sabihin kapag nakita nyang ganito ang estado ng librong binabasa ko. Talagang wala ako sa mood. At kapag nangyari iyon, dinaig ko pa ang usang lobo, once in a blue moon lang.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon