Chapter 30 ♥ Threat

36.3K 380 40
                                    

Chapter 30 

Jace's POV

     Malakas na tumutunog ang radyo sa loob ng kotse. Ngumiti si mama noong marinig ang paborito nyang kanta na kasalukuyang pinapatugtog. Dahil dito, mas lalo nya pang nilakasan ng konti ang volume. Masaya nyang sinabayan ang kanta habang nagmamaneho. Tumingin sya sa akin na tila ba umaasa na sumabay din ako sa kanya. Mga matang puno ng pagmamahal, at mga tingin na kahit sino ay walang makakatanggi. Ngumiti ako ng pagkalaki laki at sumabay sa kanya sa pag-awit.

'You are my sunshine, my only sunshine

You make me happy when skies are gray

You never know dear how much I love you

So please don't take my sunshine away .'

Ito ang lagi nyang kinakanta sa akin. Kanta na puno ng alala. Huling kanta na hindi ko makakalimutang kinanta nya...

Hanggang sa bigla na lang naglaho ang lahat sa paningin ko. Nawala ang mga ngiti na yun at napalitan ng takot. May isang kotse ang sumulpot at bigla na lang binangga ang sasakyan namin ng sunod sunod. 

"Mommy!" sigaw ko sa napakaliit na tinig. Nakikita ko ang sarili na umiiyak dahil sa takot. 

"It's okay honey. Don't be afraid. Everything's gonna be okay."

Ang napakalambing na boses na yun... hinding hindi ko makakalimutan.

Nakita ko pa ang ngiti nya kahit na ba sa likod ng mga matang iyon, wala akong ibang makita kundi takot at kaba. Kumapit ako ng mahigpit sa sasakyan habang hindi pa rin mahinto sa pag-iyak. Nagpagewang gewang ang sinasakyan namin pero pilit pa ring kinokontrol ni mommy ang manibela. Alam kong nahihirapan na sya, ramdam na randam ko iyon. Muli naming naramdaman ang malakas na pagbangga na nanggagaling sa likod.

Mas lalong lumakas ang takot na naramdaman ko kasabay ng malakas na iyak na nanggaling sa bibig ko. 

"Sshh... Jace don't be scared. Everything's gonna be okay..."

Ang paulit ulit nyang sinasambit para mapatahan ako. Subalit ipinagpatuloy ko pa rin ang pag-iyak, umaasa na sana... mahinto na ang takot na nararamdaman ko. Na sana... kung ano man ang kahihinatnan ng sitwasyong ito ay hinding hindi na mangyayari pa.

Pabilis ng pabilis ang takbo ng kotse namin at may nakita akong kotse na nakikipagsabayan sa amin. Nakita ko pa ang nakakatakot nilang mga mukha. Marinig lamang ang umaalingawngaw nilang tawanan ay tumatayo na ang mga balahibo ko sa katawan. Walang awa nilang binangga muli ang sinasakyan namin at sa oras na ito, nawalan na ng kontrol si mama sa manibela. Tuluyang nagpagewang gewang ang sasakyan. Umalingawngaw ang iyak ko sa loob ng kotse habang paulit ulit na sinigaw ang nag-iisang pangalan na alam kong sambitin sa murang edad na iyon. 

"Mommy!" 

Ngumiti sya sa akin ngunit nakita ko ang unti unting pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Sa gitna ng dilim ay ang mga bituin sa langit. Napakaliwanag nila ngunit wala akong ibang makita kundi dilim. Nanlalabo na ang aking mga mata mula sa walang hinto na pag-iyak. 

"Mommy!" muli kong sambit. Tuloy tuloy pa rin ang radyo sa pag-awit. 

Pabilis ng pabilis ang kotse hanggang sa naramdaman ko na tila ba lumilipad na ito sa ere. Hanggang sa sunod ko na lang na naramdaman ang pagyakap sa akin ni mommy ng napakahigpit. Bago kami bumagsak ay narinig ko pa ang mga tawanan nila.

Tawanan ng mga taong may gawa nito sa amin. 

Unti unting lumubog ang kotse... sa tubig kung saan bumagsak ang sasakyan namin. Napuno ng takot ang dibdib ko. Takot na ni minsan ay hindi ko naramdaman sa tana ng mura kong edad. Lahat ng paligid ay unti unting sumisikip. Nilalamon ng tubig ang kakayahan ko para makahinga. Iyak ako ng iyak habang iwinawagwag sa hangin ang mga kamay ko para humingi ng saklolo. Naghintay ako... pero walang dumating.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon