Epilogue II

8.6K 305 45
                                    

Serene's POV

Malakas na huni ng gulong at malakas na huni ng preno. Ito ang narinig ko bago huminto ang truck sa mismong harapan ko.

"Punyeta!" Inilabas ng galit na drayber ang ulo nya sa may bintana. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ineng? Mag-ingat ka naman! Perwisyo naman o. Paano kapag nabangga kita? Tumingin ka naman sa dinaraanan mo!"

Dali dali akong napayuko at mabilis na humingi ng tawad. Tumakbo ako agad sa may gilid. Nanlalamig pa rin ang buo kong katawan dahil sa muntikan kong pagkakabangga. 

Paano kaya kung natuloy talaga iyon? Mahuhugasan kaya nito ang kasalanang nagawa ko kay Jace? 

Wala na si Pietr. Si Jace na ang meron ako. Siguro kinuha ng Diyos sa akin si Pietr upang nang sa ganun ay hindi na ako mahirapan. Pinili nya ang lalaking mas nararapat sa pag-ibig ko. At si Jace iyon.

Ilang oras din akong naglakad lakad sa labas. Hindi ko alam kung saan ang paroroonan ko.

Tahimik akong nagmumuni muni habang naglalakad noong makasalubong ang nag-iisang taon na pinakaiiwas-iwasan ko.

Si Aiden.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong nya sa akin. "Alam mo bang kanina ka pa hinahanap ni Jace?"

Iniiwas ko ang tingin ko.

"Puntahan mo sya. Kung may tao man syang pinaka kailangan ngayon, ikaw yun. Kaya dapat nasa tabi ka nya."

Hindi ako sumagot.

"Hindi kita gusto para sa kanya pero kung ikaw talaga ang ikakasaya nya, hindi ko na sya mapipigilan."

Nagtama ang mga mata namin. Hindi nya ito iniwas at ganun din ang ginawa ko.

"Change of mind?"

"Sabihin na lang nating, nabawi na namin ulit ang kumpanya at ginagawa naman ni Jace ang lahat. Hanggat ginagawa nya ang obligasyon nya, hindi ako aangal."

Ibinulsa ang dalawang kamay. Dinaanan nya ako na akala mo walang nangyayaring pag-uusap sa pagitan namin.

Iyon ang idinadahilan nya, pero ramdam ko na higit pa roon ang rason nya. Na sa lahat ng pinagdaanan namin ni Jace, nakita nya na tunay ang pagmamahalan namin sa iba. Iyon lang ang idinadahilan nya pero sa tingin ko, higit pa roon. Ayaw nya lang sabihin na sa puso nya, tanggap nya na ako.

Ibinalik nya ang tingin sa akin sa huling pagkakataon.

"Ingatan mo si Jace. He's too vulnerable without you."

Ngumiti ako sa kanya. Puno ng sinsero rito. A small smile tug on his lips, pero agad nyang iniiwas iyon na tila ba nahihiya syang ipakita iyon sa harap ko.

Tinitigan ko ang bilog na buwan sa pagitan ng mga ulap.

Ilan pang sandali, ako na lang ulit ang nag-iisa rito.

May kotseng huminto sa may tabi ko. May lumabas na isang lalaki rito, pinagbuksanan nya ang pinto na nasa likod. 

Hindi ko naitago ang gulat noong mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko. Ang simple nyang suot at porma...ang magaan nyang presensya... ang mga labi nya na may malungkot na ngiti... 

Para akong bata na tumakbo sa mga bisig nya. 

"Papa," Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi maging emosyonal. Niyakap nya ako ng napakahigpit na katulad noong bata pa ako. Hinalikan nya ako sa may ulo ko bago nya tinanggal ang pagkakayakap sa akin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon