Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part two)

12.4K 415 94
                                    

Author's Note:

Wow! Sa totoo lang hindi ko akalaing marami ang magrereact at magkokomento ng pahayag nila para sa 'Dear You' na huli kong pinost kahapon. Sa totoo lang ipinost ko lang yun para lang masabi ang nararamdaman ko. Ang tagal kong nawala rito sa wattpad, pero noon pa man nasanay na ako sa pakonti konting comments at votes, dahil kahit doon masaya na ako pero pagkabukas ng acount ko BOOM! Ilang araw pa lang ang lumipas mahigit 30 na ang nagcomment! O.O)

Grabe lang! Maraming salamat sa inyong lahat na sumusuporta sa akin. Nakakatouch naman. Hindi ko kamo inakala yun. Akala ko nga walang papansin eh. Pero mali pala ako. Kaya thank you. Thank you talaga para sa mga nagcomment. Pinalakas nyo ang loob ko. Maraming salamat. Hindi nyo lang alam kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon. Bigla tuloy akong na-inspire agad kaya nandito ulit ako, nagbabalik! ♥

Para sa mga nagcomment, nagvote at sumoporta, isa talaga kayong tunay na LISTENER LOYALISTAS! ♥

Nga pala, sinadya ko itong iprivate dahil atleast sa mahigit siyam na libong followers ko, nakakasigurado ako na ang mga nagplaplagiarize ay nasa loob ng mga numerong iyon lalo na kung pati itong 'Private' chapter ay nakopya nya. Mas madali na lang maghunting *Laughing deliriously*. Mula dito sa chapter na ito hanggang Epilogue ay nakaprivate na so make sure na nakafollow kayo para mabasa nyo. Please spread the news! :) Imbes na hindi ko na ipopost ang ending, ipriprivate ko na lang. Alam ko na hindi sa pagpirpirivate mapipigilan ang plagiarism, but it will help in some way. I can minimize it. 

Alam kong matagal akong nawala kaya nga sa pagbabalik ko, nagscroll scroll ulit ako ng mula sa mga comments sa iba't-ibang chapters ng mga stories ko pati na rin sa MB ko. Pasensya na sa mga hindi ko nareplyan noong mga nakaraang buwan pero asahan nyo na lahat nababasa ko :) 

Kaya ang chapter na ito ay dedicated para sa kanya. Hello dear! Grabe naramdaman ko ang pag-eeffort mo para sa pagsesend sa akin ng message sa MB ko. Nakalimang part ka pa! Nagulat ako. Natouch. Gusto kitang i-hug. Thank you sa effort. Thank you sa moral of support at sa pagsuporta. Nakakataba ng puso ang mga katulad mo. Kaya para sayo ang chapter na ito :)

The Final Battle continues...

Enjoy!

♥♥♥

Chapter 70 (Part two)

"Wala kayong ititira kahit isa." Ang nag-iisa kong bilin sa kanilang lahat.

Isang abandonadong gusali ang naabutan namin sa gitna ng kagubatan. May mangilan ngilang bantay ang naiwan sa labas ngunit sa tahimik ngunit mabilis naming pag-abante, madali namin silang napatumba ng walang sinasayang na oras. 

Para kaming mga sundalo sa pagsugod. Ayaw lumikha ng kahit anong tunog hanggat maaari. Para kaming pusa sa paggalaw. Isang dahon na tahimik na bumabagsak sa lupa sa tuwing may tinatalunan kaming bakod. 

Madali ang naging pagpasok namin. Isang bagay na kataka taka pero isa sa mga posibilidad na naisip na naming mangyayari. 

Tahimik na pagligit ng leeg mula sa loob sabay takip ng bunganga para hindi sila sumigaw o lumikha ng ingay-- ito ang paulit ulit naming ginagawa sa bawat tauhan na makita namin. Ganun na sana magiging madali ang lahat kung hindi lang mayroong isa ang nakapansin sa amin. 

"Sinusugod tayo! May nakapasok sa loob ng headquarters natin at sinusugod tayo!!" Paulit ulit nitong sigaw sa buong paligid na nakapagpatunog sa iba pa nitong kasama. Itinaas ni Jace ang baril nya at pinaputakan ito sa ulo. Sa isang putok na iyon, doon naghudyat ang inaasahan naming gulo. 

Panay ang putukan ng baril sa buong paligid. Umuulan ang mga bala na animo'y wala na itong katapusan. Tumakbo kami at nagtago sa malapit na pader. Habang ang iba sa mga kasama namin ay abala sa pakikipagsabayan sa pagkakalabit ng gatilyo, kami naman sa ikalawang banda ay nagsimula nang makipaglaban ng harapan sa iba na umaatake na sa amin. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now