Chapter 4 ♥ I Love You

56.1K 776 101
                                    

Dedicated sa kanya :) Godbless always dear and thank for supporting LTMS and also LTMH! Keep inspiring! :D

May Official FB na po sila Serene at Jace kaya add nio na lang sila. At ipopost ko na po today yung pic ng remaining main characters namely Serene, Jace, at Niel sa fanpage kaya visit us there! *wink*

P.S. Picture ni Jace yung nasa gilid. Check nyo na lang :">

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT. ENJOY!! MWUAH! LOVE U ALL LISTENERS! 

Chapter 4 

Paalis na kami ni Niel nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Wala na ang mga pulis sa paligid at ang tanging maririnig mo na lamang ay ang malakas na patak ng ulan. Medjo nahirapan kaming hanapin ang kotse kung saan namin ito huling ipinark. Ang dami kasi naming nilusutang daan noong tumatakbo kami kaya medjo nalito kami kung saang direksyon ang dapat naming piliin. Pagdating namin sa sasakyan ay tinalo pa namin ang diver sa isang swimming pool. Mukha kaming basang sisiw at nanginginig nginig pa dahil sa lakas ng simoy ng hangin. 

"Niel? Dala mo ba yung phone mo?" Patay talaga ako nito. Patay. Hindi ko na nga natawagan at natext-san si Jace kahapon, hindi pa ako nakasipot sa lakad namin ngayon. Baka ano ng isipin nun. 

Kinuha nya ang phone sa bulsa at iniabot sa akin. Sa kasawiang palad, biglang nadedbol ang battery nung ididial ko na sana ang number ni Jace. Shoot.

"Pwede pa ba tayong pumunta sa office nila Jace ngayon?" Tanong ko sa kanya. 

"Sa sitwasyon natin ngayon at sa lakas ng ulan mukhang malabo na ata."

Kasi ba naman, bakit ngayon pa umulan ng ganito kalakas? Gusto man naming tumuloy sa pupuntahan namin ay napagdesisyunan na lamang naming umuwi. Sa bahay ko na lang tatawagan si Jace at ieexplain sa kanya ang mga nangyari. Pati sila Julian siguradong nag-aalala na ang mga yun. Wala pa man din akong phone para ipaalam sa kanila na okay lang ako. 

Matapos ang halos kalahating oras na pagmamaneho sa wakas malapit na rin kami sa bahay. Napakadulas kasi ng daan at delikado kung bibilisan namin ang pagmamaneho. Mag-aalas nwebe na ng gabi ng tuluyang makarating kami sa bahay at laking gulat ko na lang na napakaraming kotse ang nakapark sa tapat ng gate namin. May mga pigura ng mga lalaki ang nakatayo hindi baba sa sampu. Nang mapansin na padating kami, dali dali silang nagsitinginan sa direksyon ng kotse na sinasakyan namin. Basang basa sila sa ulan at hindi ko maanino ang mga mukha nila. Bukod kasi sa madilim ang buong paligid, nakasuot pa sila ng itim at karamihan sa kanila ay nakahoody. 

Sabay kaming nagsilabasan ng kotse ni Niel. Patuloy pa rin ang buhos ng ulan pero wala kaming pakialam kung mabasa man kami ulit. Tumayo si Niel sa harapan ko na animoy itinatago ako sa paningin ng mga lalaki. Hindi na ako magtataka, sa postura at mga kilos, myembro sila ng isang gang. 

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Niel sa kanila. May ilang distansya ang layo ng mga lalaki sa amin pero humakbang sila ng konti at taas noong sinagot ang tanong sa kanila.

"Hindi ikaw ang kailangan namin," sagot ng isang lalaki. Itinaas nya ang isang daliri, at itinuro ito sa akin. "Sya. Sya ang kailangan namin."

Ang buong akala ko magkakaroon na naman ng panibagong laban para sa gabing ito. Humakbang ako palayo sa likod ni Niel para makita ng mas malinaw kung sino ang mga lalaking ito. Laking gulat ko na lang ng bigla silang nagsiyukuan ng makita ako. 

"Sino ang nagpadala sa inyo dito?"

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanila ngunit ni isa ay walang naglakas loob na iangat ang ulo at sagutin ako. Ilan pang sandali, dahan dahan silang humakbang papunta sa gilid, nagbibigay daan sa isang imahe na huminto kung saan nakatayo ang ibang mga kasama. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon