Chapter 29 ♥ First Day at Maeda Mora

34.8K 369 39
                                    

Chapter 29

Unang klase pa lang ay kaming dalawa na ni Clarisse and centre of attention.

At sa sumunod pang klase...

At sa sumunod pa... 

Kami ang pinagtitinginan at pinagtatawanan. Sa mundo na puro kaperpektuhan ang laging hangad ng mga tao, ang itsura namin ang parating nasa huli. Tampulan man kami ng tukso sa bawat estudyante na makakita sa amin, poker face lang kaming dalawa. Alam naman namin ang totoo naming itsura at yun ang masaya. Nakakamiss din pala ang maging ordinaryo pero sa ikalawang banda, nakakainis naman na pinagtatawanan ka dahil kakaiba ka. Idagdag mo pa ang kakaiba at nakakatawang pangalan namin diba? Halos humalagpak sa kakatawa ang lahat ng makarinig. Kahit naman kami eh, hindi namin itinatanggi. 

"Ano bang next na klase natin? I can't stay in this seat anymore. It hurts my back like hell!" 

"Ssh! Ito na, ito na. Hinahanap na nga eh hindi pa makapaghintay." 

Pagkatapos magbell ay mabilis kaming tumayo ni Clarisse para hanapin ang susunod naming klase. Kanina pa sya reklamo ng reklamo, nasa bokabularyo na nga yata nya ang kaartehan at ang pagiging reklamadora. Sa totoo lang kanina pa ako naririndi. 

Kanina pa kami lakad ng lakad, magbebell na yata sa susunod na klase pero nandito pa rin kami sa hallway. Sa ikinikilos namin mistula kaming mga ligaw na pusa. 

"Akin na nga yan!" Inagaw ni Clarisse sa akin ang schedule na hawak. "Ang bagal bagal eh. Mamamatay tayong dilat ng mata kung ganyan ka kabagal." 

"Nagsalita naman ang may naitulong." I rolled my eyes at her. "Kung kanina mo pa sana ako tinulungan na maghanap eh di sana nandoon na tayo sa pupuntahan natin di ba? Ang mahirap kasi sayo puro ka satsat." 

Pamewang syang humarap sa akin. "Excuse me? Maybe you are blind or perhaps deaf, inaalok kong tumulong kanina pero hindi mo ako pinapakinggan."

"At anong klase naman ng tulong ang inalok mo kanina? Ang iligaw tayo ng ilang ulit? Like seriously Clarisse? Your help is deeply appreciated. But no thanks."

Wala naman syang ginawa kundi magdikta ng magdikta sa kung saan kami pupunta kanina. Ako naman itong akala ko eh alam na ang lugar na 'to, sumunod naman ako sa kanya. Kaya hayan, ilang beses na kaming nagpaikot-ikot at nagpabalik balik sa parehas na lugar. 

Nagmakeface sya sa akin. I even saw her mimicking what I just said in an annoying tone. Sabi ko na nga ba dapat mag-isa na lang ako. 

"Oh gahd. Makaalis nga lang dito." iflinip nya ang hair sa akin. Sa sobrang lapit ay muntik ko ng nakain ang buhok nya. Aba't talagang! 

Bago sya makalayo ay bumwelo ako ng konti. Sinipa ko sya ng napakalakas sa likod na nagdulot ng pagkabagsak nya sa sahig. Bahagya pa syang napatili pero hindi ko na ito binigyan pa ng pansin. 

"What the heck are you doing?!" Tumayo sya agad sabay pagpag ng naalikabukan nyang pwet. 

Ngumisi ako sabay punas ng ilong ko na parang isang tambay sa kanto. 

"Tama lang sayo yun." At saka ako tumalikod. Tuloy tuloy lamang ako sa paglalakad ng mamalayan na unti unti na rin akong bumabagsak sa sahig. Una pa sana ang mukha ko pero nabalanse ko agad ang sarili kaya agad akong nakatayo ng maayos. Doon ko lang narealize na bumawi rin pala sya sa akin at saka ako sinipa sa likod. 

"Ano na naman ba?!" inis kong tanong sa kanya. 

"Bumabawi lang ako sayo noh. Ikaw lang ba ang may karapatang manipa?" Inayos nya ang sarili at saka pumustura ng tulad ng lagi nyang ginagawa. Pusturang nakakainis at napakaarte. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon