Chapter 66 ♥ Forbidden (Part one)

13.6K 368 130
                                    

Author's Note: 

Now that I realize about it, hindi ko pala gaanong naexplain ng mabuti yung setting ng bar na sinasabi kong pinuntahan nila Jace last chapter. Nakakalito nga naman. Paano nakapasok sila Tats sa loob ng reservation room kung nandoon sila Niel sa labas na nagbabantay? Paano nakuha si Jace ng walang nakakapansin? Yun sana yung gusto kong linawin. Ieedit ko na lang yung last chapter para hindi nakakalito (edit ulit hahaha. Naipon na.)

Okay yung bar na pinuntahan nila Jace is a small bar lang. Yung reservation room/seat na tinutukoy ko is hindi sya actually enclosed room, like yung private room with closed doors. Nope. Hindi yun yung inimagine ko (And sorry if I failed to explain it further from the last chapter. Masyado kasi akong naexcite. Hahaha!). Yung reservation seat/room na yun eh nandun lang sa may gilid ng bar. Alam nyo yung sa mga fancy resto (fan-cey. Yeah. *singing im so fan-cey* lol), yung dun sa may gilid eh may mga magandang mesa at upuan dun tapos parang may maliit na pader ang nakaharang sa kanila para maseparate yung mga chairs sa bawat isa? Let's say, Japanese restaurant na may border yung mesa at upuan para may privacy kahit papaano yung mga costumer pero hindi actually enclosed kaya nakikita pa rin sila ng mga dumadaan sa loob ng bar. Ganun sya. 

Yung sinabi nila Niel na maghihintay sila sa labas, actually, sa labas talaga ng bar. Hindi dun sa labas ng reserved seat kasi gusto nilang bigyan sila Jace at Serene ng privacy kahit papaano. Maraming tao sa loob; may nag-iinuman, kantahan, sayawan, tawanan-- typical bar. So medjo crowded. Which means, hindi mahirap kanila Tats at Nem na makihalubilo sa loob lalo na medjo madilim sa loob (or let's say dim yung light). Tapos yung nawala si Jace, dun sa likod dumaan sila Tats at Nem. Walang kaalam alam sila Niel dito dahil nandun sila sa labas, sa may harap. 

And yes pampalubag loob. After ng betrayal nila Reece at Julian pwede na kayong huminga ng maluwag. Dahil wala na akong idadagdag na traydor bukod sa kanila (atleast sa loob ng gang ni Serene. Or atleast hindi magbago ang utak ko hahaha!). Masyado ng maraming napagdaanan si Serene. Masyado ng masakit. May puso pa rin naman ako. Tama na yung dalawang kaibigan na traydor at baka mabaliw na ako-- este si Serene.

So wag nyo munang isipin yun. Chill chill lang! (Anyway kasalanan ko rin naman eh kaya mapagduda kayong lahat sa mga nangyayari sa story ko. Kung makapasabog kasi ako wagas eh. Unexpected! xD) 

Saka matatapos na rin yung story. Magfocus kayo sa kalaban sa labas :D Wag sa loob dahil wala na. Tapos na ang madilim na chapter na yun. Ebola free na-- este, traitor free na ang Ellipses. Pero! Madami pa ring nakakapanabik na mangyayari kaya yan ang dapat abangan! 

Wow ang haba ng A/N hindi ko na namalayan. Panu ba yan mag Author's Note na lang tayo? Saka na ang continuation ng LTMH! lol kidding. 

Anyway have a happy reading. Thank you for supporting me Listeners. Thank you :) 

OLE! 

-wistfulpromise 

♥♥♥

 Chapter 66

Dumagundong ang buong bahay noong binuksan ko ang malaking pinto ng bahay nila kuya Niel. Nakita ko ang iba sa mga katulong nila na nagulat sa di inaasahang pagpasok ko pero wala akong pakialam. Kailangan kong makausap si mama sa lalong madaling panahon. 

"Umakyat ka sa taas. Isang liko sa kanan tapos diretsyuhin mo. Yung unang kwarto na makikita mo sa kaliwa, yun ang kwarto ni Lady Jenna." Tumango ako sa direksyon na sinabi kuya Niel.

Hindi na nya ako nasamahan dahil abala sila kay Jace. Sa kanila ko muna sya pinaubaya habang tinatapos ko ang dapat tapusin. Noong dumating sila kanina ay wala na ang lalaking may tattoo na number 6. Pero naabutan nila si number 3 na wala ng buhay di kalayuan kung saan ko kinukuha si Jace sa loob ng kotse. Kung alam nila ang dahilan kung bakit ito namatay, hindi na sila nagtanong. Ipinatawag ko sila Aziel dahil sila na ang bahalang magdispatya roon.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon