Chapter 70 ♥ The Final Battle (Part one)

19.2K 476 92
                                    

Author's Note: THIS IS IT! ENJOY! :) At dedicated sa kanya ito. I read your message on my MB. I'm so touched. Thank you 

P.S. Just a teaser of Chapter 70 :) I'm still working on Chapter 70 part 2 and 3, plus Epilogue. Again, sorry for the late update Listeners. Enjoy!

And have a blessed morning :)

OLE!

♥♥♥

~unedited 

Chapter 70 (Part one)

"Anong nangya--" tanong ni kuya Paul na hindi na nya natapos. Dinaanan ko sya na para bang isang hangin. Narinig kong tinatawag nila ang pangalan ko. Hinabol pa ako ni Jace pero sarado ang mga tenga ko. Hindi na ako naabutan ni Jace noong nakasakay na ako ng kotse. Pinaharurot ko ito palayo. Sa isip ko ay wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. 

Ginamit ko ang cellphone ko para matrack kung nasaan si kuya Niel. Hindi ko na kasi sya makausap ng maayos. 

Noong makarating ako sa destinasyon ko ay sobrang dami ng tao. Halos madapa dapa ako sa pagtakbo. Hinarang ako ng mga pulis noong makita na papasok ako ng kulay dilaw na linya na palagi nilang inilalagay kapag may krimen na nangyayari. 

Ayaw kong magsalita. Ni ibuka ang bibig ay hindi ko ginawa dahil alam ko na sa oras ginawa ko iyon, hindi ko mapipigilan ang emosyon na kanina ko pa ikinukulong sa dibdib ko. 

Pero iba pala kapag makikita mo sa harapan mo ang kotse na sinasakyan ng mama mo kani-kanina lang na ngayon ay yuping yupi na. Lalo na kapag nakita mo na may inilalabas mula sa loob... Isang puting tela na buhat buhat ng mga nagtratrabaho sa ambulansya. Bakas ang kulay pula na marka rito.

Kung tatanungin ako kung ano ang nararamdaman ko, hindi ko maipapaliwanag. Basta naramdaman ko na lang ang panginginig ng mga labi ko pagkatapos ay ang iyak at sigaw na hindi ko namalayan na sa akin pala nanggagaling. 

Ang daming kamay ang pumigil sa akin para makalapit. Wala akong pakialam kung bawal. Halos gumapang ako para makapunta lang ako roon pero hindi nila ako mapigilan. Niyakap ko iyon ng napakahigpit. Yumuyugyog ang mga balikat ko sa bawat paghikbi. Ayokong syang bitawan. Ayokong maniwala na totoo ngang wala na sya. 

May humila sa akin sa balikat, pinipilit akong patayuin. Niyakap nya ako pero wala akong pakialam. Ang tingin ko lang ay naroon sa nakakumot ng pigura na isinasakay na nila ngayon sa ambulansya. 

"Serene, sshh... sshh..."

Hinawakan nya ang magkabilaan kong pisngi para tumingin sa kanya. Doon ko lang napagtanto na si Jace pala ito. Hinabol nya ako noong umalis ako.

Hindi ko alam kung anong itsura ko sa mga mata nya. Pero nakikita ko na para bang nararamdaman nya kung ano ang nararamdaman ko. Gusto ko pang habulin ang ambulansya pero hinawakan ako ni Jace at pinigilan. Halos magwala ako roon at mapaupo sa lupa. Para akong bulag na nangangapa sa dilim pero wala akong pakialam. 

Niyakap ako ni Jace at pilit na pinapatahan. Marami pa syang ibinubulong sa akin pero wala na akong marinig. Alam ko kasi na kahit ano pang sabihin nya, hindi na nya maibabalik ang buhay na nawala sa akin.

Di kalayuan nakaupo si kuya Niel sa likod ng isang van. May kumot na nakapatong sa braso nya.

Tumakbo ako at hindi ako napigilan ni Jace. Niyakap ko si kuya Niel na noong nakita ako ay tila ba nagising sya sa masakit na reyalidad na pilit nyang ikinakila sa sarili. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon