Chapter 67 ♥ Unexpected Comrade

14.6K 404 142
                                    

~unedited

Chapter 67

Serene's POV

Maaga akong bumaba noong nagising ako. Sinadya ko talaga ito para makausap si mama. Nasa may hagdan na ako noong nakita ko syang nakatayo sa harap ng isang bintana. Tahimik syang nakadungaw roon. Ang likod nya ay nasa akin. 

"Ma," sabi ko noong nakalapit na ako. "I'm...sorry. About yesterday." 

Huminga sya ng napakalalim bago humarap sa akin. Nakatupi ang mga braso nya at yakap yakap ang sarili. 

"You're right. Hindi ka na bata. It's time for you to learn the truth." sabi nya pero mukha syang malungkot. Taimtim syang tumango na nagsasabing sundan ko sya. 

Pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Tulad ng kanina ay dumiretso sya sa may malaking bintana sa loob at doon humarap. Sumunod ako at tumingin sa kanya. Ngunit ang mga mata nya ay nasa malayo. Hindi ko sya maabot. 

"Dominic was my first love." pagbabasag nya ng katahimikan. 

(***A/N: Dominic is Mr. Valdez (and no. Hindi sya si The Highest. LOL). Naaalala ko na binigyan ko na si Mr. Valdez ng first name sa book 1 pero hindi ko na maalala. Aldrin ata? But well, sinabi ko lang yun nun kasi wala akong maisip lol. Pero ngayon magsesettle na ako sa Dominic. Mas bagay kasi eh. Dominic Valdez. :))

"Do you still love him?" hindi sya sumagot. "Paano si papa?" 

"Xander and I, our marriage was arranged." 

Hindi ako nakapagsalita noong narinig ko iyon. Buong buhay ko ngayon ko lang nalaman ang impormasyon tungkol roon. Papa and mama's marriaged was an arranged one. Ibig sabihin ba nun...hindi mahal ni mama si papa? At nanatili lang silang magkasama para sa amin ni kuya Zen noon? 

"Bata pa lang ako kasama ko na si Dominic. He is my guardian. He is my bestfriend." may maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nya. Isang patunay ng nararamdaman nyang saya sa paggunita ng mga alaala. 

"Halos sabay kaming lumaki. Mula nursery hanggang high school sya na ang palagi kong kasama. He was always protecting me. He was my first to everything at alam kong ganun din sya sa akin. We were happy... but not until my parents told me that I am betrothed to someone else. 

Sandali nyang inilayo nya ang tingin sa akin na tila ba ayaw nyang ipakita ang pagbabago sa emosyon ng mukha nya. Gayunman noong humarap sya sa akin, hinaplos nya ang mukha ko at malungkot na ngumiti. 

"I was 17 back then, exactly like you. Ipinaglaban namin ang pagmamahalan namin but we have no choice...we have to give up. I was so hurt but my parents was determined. They want me to marry the Lopez' only son. At si Xander yun...ang papa mo."

"Bakit naman daw nila ginawa yun?" 

Simula noong bata pa lang ako ay hindi ko na nakilala sila lolo at lola. Hindi kasi kwinekwento sa akin ito nila mama kaya hindi na ako nagtatanong.

"Typical reason ng mga mayayamang pamilya." tumawa sya ng mahina pero wala itong saya. "Gusto nilang pag-isahin ang kumpanya ng bawat isa para mas lalo pa itong lumago at mapangalagaan ang yaman nila. "

Nalulungkot ako sa nalaman ko pero higit ako na nalulungkot sa pinagdaanan ni mama noon. He was forced to marry someone she does not love. Pero bakit noong bata ako wala akong ibang nakikita kundi kasiyahan at pagmamahalan sa loob ng bahay namin? Pati ba iyon...kasinungalingan lang?

"As soon as I turned 18, I was married. He was 2 years older than me. Xander was 20 back then. He is a good guy. Katulad ko, napilitan lang din sya sa gusto ng mga magulang nya. Pinag-usapan namin ang arrangement ng relasyon namin. Una pa lang nilinaw ko na sa kanya na hindi ko sya mahal at ganun din sya sa akin. Doon kami nagkasundo kaya kahit na nakatira na kami sa iisang bahay, para lang kaming border mates. Napagkasunduan namin na sweet kami pagharap sa mga magulang namin pero kapag nasa loob na kami ng bahay, kanya kanya na. We can do whatever we like, we were so young. We both hate rules. Kaya kahit kasal na kami, nakikipagkita pa rin ako kay Dominic. He knew my situation and yet...he still loves me. And so our relationship continued secretly." 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon