Chapter 40 ♥ Serene's Answer

30.6K 359 54
                                    

Dedicated sa kanya ♥ Thank for being a reader and for reading my story. Godbless and keep inspiring! Mwuah! <3

♥♥♥

Chapter 40

Hapon na noong makapunta ako sa Maeda Mora. Hindi ko naabutan si Pietr doon dahil maaga raw syang umuwi sabi ni Souta. Wala na sana akong balak siputin sya para ibigay ang sagot ko kaso nagtext sya sa akin. Sa parke raw kami mag-uusap. Doon nya kukunin ang sagot ko. 

"Basta kahit anong mangyari nandito lang ako ah. Kapag may ginawa akong mokong na yun, isang senyas lang sa akin, tatakbo ako at ililigtas ka." bilin sa akin ni Niel bago kami maghiwalay. Sya ang naghatid sa akin sa park. Sya ang kasama ko na nagbabantay sa tabi tabi habang hinihintay ko ang pagdating ni Pietr. 

Sa likod ko ay ang violin ko. Pumunta ako sa sulok sa maraming puno kung saan lang din ako madalas tumutugtog noon sa tuwing nagpupunta ako rito. Maraming tao sa paligid, parang may pyesta. Karamihan sa mga bata ay nakasuot ng maskara kaya kahit ako, ganun din ang ginawa para maitago ang sarili ko.

Inilabas ko ang violin sa may casing ko at saka pumwesto. Napangiti ako ng hindi ko namamalayan. Namiss ko itong violin ko. 

May nagvibrate sa bulsa ko kaya agad kong chineck ang phone ko. 

"Serene nasaan ka? Kanina pa kita hinahanap dito sa school." 

Kinagat ko ang isang daliri ko. Si Jace pala ang tumawag. "May... may pinuntahan lang ako saglit." 

"Saan? Sinong kasama mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka?" hindi ko man nakikita pero alam kong kunot na naman ang noo nya dahil sa pag-aalala. Halata na nasaktan sya base sa huli nyang sinabi. Noong hindi ako nakasagot nagsalita ulit sya pero ngayon iba na ang tono nya. "Si Niel ba? Si Niel ang kasama mo?" 

"Oo." nag-aalangan kong sagot. "Pero sandali lang kami pramis. May hinihintay lang akong--" 

"Nasaan kayo?" 

"Jace." 

"Nasaan kayo Serene? Please, just answer the question." 

Isinuklay ko ang isang kamay sa buhok ko. Pagkatapos ng campaign ko sa school, hindi na kami naghiwalay ni Jace. Pero dahil na rin may usapan kami ni Pietr ngayong hapon din, humingi ako ng tulong kay Julian at Niel kung paano makakalusot. Tinulungan naman nila ako. Si Niel pa nga lang ang kasama ko nagkakaganyan na sya. Paano pa kapag nalaman nya kung sino ang pinuntahan at hinihintay ko? 

Hinawakan ko ang gclef pendant sa dibdib ko. "Just trust me on this one Jace. Its for the better." Ibinababa ko na ang phone. Ilang beses pa syang tumawag ulit pero tinurn-off ko na ang cellphone ko. Ayoko na muna syang kausapin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at maamin sa kanya ang totoo. Sa ikalawang banda, hindi ko pa rin maisangtabi ang tampo na nararamdaman ko sa kanya. Kahit naman sya ay hindi sinasabi sa akin ang lahat. Marami syang sikreto na hindi ko alam. 

Kahit ngayon lang. Pagbigyan nya ako. 

Hinayaan kong nakabukas ang casing ng violin ko sa harap ko. Pagkatapos ng ilang kuskos ng rosin sa bow, iniangat ko na ang violin sa balikat ko. Huminga ako ng napakalalim, napakasarap amuyin ng natural na amoy ng ebony na kahoy. Napakabango. May konti mang lungkot na nararamdaman dito sa dibdib ko, tumugtog pa rin ako. Alam kong muntikan na akong nahuli dito minsan ng mga fans dahil kay kuya na pinagbilhan ko ng palamig. Gayunpaman, hindi ko mapigilang ang sarili na tumugtog ng violin sa tuwing nandito na ako sa ilalim ng matatayog na puno ng parke. Napakasarap ng simoy ng hangin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon