Chapter 42 ♥ More Clues...

30.9K 368 87
  • Dedicated kay ToAllListeners♥
                                    

Chapter 42

Jace's POV

Isang oras na nakakabagot na subject na naman ang palilipasin ko. Wala ang teacher namin. Ang ingay sa paligid, napakagulo nilang lahat. May nagtatawanan, nagkwekwentuhan o di naman kaya'y nagbabatuhan ng mga papel na parang bata.  Napapapikit na lang ako sabay lagay ng kamay sa noo. Tumingin ako sa upuan ni Serene. Bakante ito.

Siguro matagal akong nakatitig sa direksyon na iyo dahil hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Shane, kinakalabit ako.

"Anong nangyayari sayo tulala ka jan?" Sinundan nya ang direksyon ng mga mata ko. "Aah. Kaya pala eh. Namimiss ang mahal nya."

Umakbay sa akin si Julian. "Someone misses someone in here. Yiee." sabay tudyo nila sa akin na mas lumukot sa mukha ko.

Itinaas ko sa hangin ang kamay ko na para bang isa silang langaw na kailangang bugawin. 

"Tsk. Layuan nyo nga ako."

Heto na naman ang mapang-asar nilang mga tingin. Pasalamat na lang talaga ako at wala pa rito sila Nathan at Rico dahil kung hindi, sama sama nila akong pagkakaisahan.

"Nasaan ba si Serene?" tanong ni Shane. "Palagi na lang syang wala."

Kinuha ni Julian ang upuan sa harap ko. Nakalikod pa rin ang upuan noong umupo sya. Ipinatong nya ang dalawang kamay sa may sandalan.

"She has some business she needs to take care of." sagot ni Julian kay Shane.

"Business? What kind of business? Hindi ba't itong school ang pinakamain business na hinahawakan ni Serene? So why does she still needs to go somewhere?"

Nag-inat inat si Julian bago tumayo. "Business... that you have nothing to care about." Tinapik nya ako sa balikat. "See yah later bro." tapos lumabas na sya sa kwarto, nakabulsa ang mga kamay at papito-pito.

"Hindi ko alam kung bakit mainit ang ulo sa akin ng isang iyon." kunot noo ni Shane. Sinundan ko ang direksyon na dinaanan ni Julian. "Hindi lang ngayon, kahit noong isang araw pa."

Hindi na ako magtataka, iisang babae lang ang gusto nila eh.

"Kamusta na kayo ni Reece?" Sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

"Malapit na 'tol. Ramdam ko na."

Sumandal ako sa upuan. "You think so?" Agad naman syang tumango, nasasalamin ng mukha ko ang mukha nya.

Tumingin ako sa may pintuan. Biglang sumagi sa isipan ko si Julian.

"Paano kung may umagaw? Anong gagawin mo?" Base na rin sa mga kwento ni Serene sa akin, mukhang gusto rin talaga ni Julian si Reece. Ngayong naitanong ko na, hindi ko na maiwasang macurious sa isasagot nya.

"Hindi mangyayari yun." Shane thoughtfully answered. Itupi nya ang mga braso sa dibdib. "I'm keeping my eyes on her para kung may sumubok, ako muna ang makakabangga nya."

Nakapangalumbaba ko syang tiningnan, halatang malayo ang iniisip dahil nanatili akong tahimik. He really does love her. Ngayon ko lang nakitang ganyan si Shane. Determinadong determinado.

"Ikaw ba? Anong gagawin mo kapag may umagaw kay Serene?" 

Kung ano man ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ko, dali dali itong huminto matapos marinig ang mga salitang iyon. I was taken aback. Hindi ko akalaing babalik sa akin ang tanong na ibinato ko.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon