Chapter 5 ♥ So Much Fun. So Much Love.

56.4K 735 90
                                    

Dedicated sa kanya!! Thank you for the fansign dear!!! Godbless always and keep inspiring!!! <3

May account na po pala sa fb ang lahat ng characters sa story including Jace and Serene. So add them on facebook!! Pafollow na rin po pala sila sa twitter!!! ^O^)/

 

Tell me what you think Listeners <3

***

Chapter 5

Bored ako. Pinaka-ayaw ko talaga sa lahat ay ang nababagot. Bakit? Kasi marami ang hindi magandang mangyayari kapag nagkataon. Sabi nila ang weird ko daw. Bakit kahit saan ako magpunta ay may dala akong libro o di kaya'y notebook with matching ballpen o lapis pa. Ang sagot ko naman, 'hanggat dala ko ang mga bagay na yan, mabubuhay na ako pramis.' Tulad na lang ngayon, nasa isang conference kami para sa isang Youth Organization na napagkatuwaan naming salihan ng mga kaibigan ko. Summer kasi at wala kaming magawa, ilang araw na lang at magpapasukan na. Wala pa rin akong nagagawang makabuluhan sa buhay ko, 

"Uuwi ka na?" 

Nagbibilang at naghahanap na ako ng barya sa bulsa ng bigla akong tanungin ni Reece. Kaming apat lang nila Kelly, Nyree at Reece ang nagpunta dito. Hindi kasi namin napilit ang guys na sumama dahil busy daw sila. Kailangan din daw kasi nila ng 'boys' hang-out na sila sila lang. Naku pagbigyan na.

"Pinag-iisipan ko pa nga eh." sagot ko. 

"Ate wag muna please?--" --Kelly

"--may dance competition pa mamaya ate. Hintayin na natin." --Nyree

"Mamayang gabi pa yun eh." At matagal tagal pa ang hihintayin namin. "Ayaw nyo muna bang lumabas? Balik na lang tayo mamaya." 

"Baka pagalitan tayo." Simangot ni Reece

"Tsaka ate, sayang yung binayad natin--" 

"--mahal din yun. Pinang-shopping na lang sana natin." 

Minsan talaga naisip ko may mind link sila Nyree at Kelly. Alam nilang tapusin ang pangungusap o sinasabi ng bawat isa eh. Ewan ko ba kung bakit ba kasi nila ako napa-oo na sumali sa event na 'to. Since kilala na kami ng lahat ng tao dahil sa kasikatan namin, napagpasyahan naming magdisguise at wag sumali sa kahit anong palaro na nagaganap dito. Ayaw kasi naming makaagaw ng pansin sa harap ng maraming tao kapag hindi namin napigilan ang sarili na galingan at ma-carried away sa paglalaro. Ayos na nga itong disguise namin eh, walang nakakapansin.

"Ayaw nyo ba talagang lumabas muna tapos balik na lang tayo kapag dance competition na?"

Tumingin ako sa buong paligid. Nangangati na ang mga paa ko gusto ko ng lumabas dito. Ang daming nagkalat na booths sa paligid at syempre napakaraming tao. Sa Conference na 'to para kasing Intrams ang peg nila. Maraming booths at maraming iba't-ibang laro pero ni isa kasi walang appeal sa akin kaya wala akong sinalihan. 

"Eh ate--" Kamot ni Nyree sa ulo. 

"--gusto namin ate kaso," --Kelly

"Baka hindi na tayo papasukin pagbalik natin." Napa-pout na lang ako sa pagtatapos ni Reece ng mga salitang hindi masasabi sabi ng magkapatid. 

Waah!! Bakit ba takot na takot silang lumabas?! Kahit ang libro at notebook ko maggigive-up na sa kakasulat ng mga rants ko sa buhay. Seriously? Kung hindi ako lalabas dito, I'm gonna die in boredomness. May gowlay! Save me! 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon