Chapter 54 ♥ Misunderstanding

20.1K 389 81
                                    

Chapter 54 

Noong nagkataon na naabutan ko na si Jace sa school, noong makita ako ay agad syang lumapit sa akin. Gayunpaman nagulat ako noong may dalawang pigura na tumabi sa magkabilaan kong gilid na akala mo mga bantay saradong gwardya. Saka ko lang napagtanto kung sino sila noong hinihila na ako ni Julian sa may braso palayo. Nakasunod si Niel sa likod at parehas sila na may masamang tingin kay Jace. 

"Sandali,"

"Don't even touch her." galit na pahayag ni Julian sabay layo sa akin ulit kay Jace. Yung mga mata nya parang nagliliyab sa galit. Lumalabas na naman ang pagiging kuya nya. Kahit si Niel ay nagsilbing pangharang sa akin at kay Jace. Katulad ni Jace ay naguguluhan ako sa ikinikilos nilang dalawa. 

Hindi basta na-intimidate si Jace sa tingin nila at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan nya. 

"You don't have any right to take her away from me." balik sagot ni Jace sa parehas na tono. Pinilit nyang lumapit pero hinarang sya ni Niel. 

"We have any right more than you think we can. Bumalik ka na sa trabaho mo. Hindi ba't mas importante iyon kaysa kay Serene? Kalimutan mo ng may girlfriend ka." 

"Anong sinasabi mo." Ikinuyom ni Jace ang mga kamay nya. "Wala kang karapatang diktahan ang kahit ano sa relasyon namin."

"Meron. At gagawin ko iyon kung paulit ulit mo lang syang pababayaan." 

Ramdam ko na ang tensyon sa paligid. Sa mga tinginan nilang iyon para silang nagpapatayan. 

"Let's go Serene." hila ulit sa akin ni Julian palayo sa kanila.

Dali dali namang nailipat sa akin ang tingin ni Jace na agad akong hinabol at pilit na hinila palayo. Pero naunahan sya ni Niel na agad naman nyang sinuntok. Hinabol nya ulit kami pero sa pagkakataong ito hindi na sya sa akin dumiretso kundi kay Julian na agad nya ring inambangan ng suntok sa may panga. Hanggang sa nagsuntukan na silang tatlo ng nagsuntukan. Bago ko pa man sila naawat ay naabutan na kami ni Attorney Principal at ng ilan sa mga teachers. Lahat tuloy kami ay diretso sa office. 

"Ano ba namang mga bata kayo, kumpara siguro sa kahit na sinong mga estudyante na narito sa loob ng school na ito, kayo dapat ang higit na nakaakunawa na hindi dapat kaya nakikipagbasag ulo sa kung saan saan lang! Naturingan pa man din kayong mga pinuno ng kanya kanya nyong mga gang tapos ganyan ang mga ipinapakita nyo. Ano na lang ang iisipin ng mga tagasunod nyo? Umayos kayo!" 

Hanggang ngayon man ay masama ang tingin nila Julian at Niel kay Jace. Nagulat naman ako noong pagkatingin ko sa kanya sa akin na lang sa nakatingin. Agad ko itong inilayo. There is so much intensity on it. Pare parehas silang tatlo na may putok na labi. 

"Hindi na po mauulit attorney." wika ko noong walang marinig na kahit ano mula sa mga kasama ko. 

"Ano ba kasing problema nyo? Hindi naman kayo madalas na ganito ah." 

Inihakbang ko ang mga paa ko papunta kay Jace pero hinila ako pabalik ni Julian. Tumingin ako sa kanya para sabihin na bitawan na ako pero wala sa akin ang tingin nya kundi kay Jace. Tumayo si Jace sa kinapupuan nya, puno ng galit dito tulad ng kanina. 

"Ano bang problema mo?" 

"You are the problem."

Pagkatapos ay tumayo na rin si Julian sa kinauupuan nya. 

"Hoy, hoy, tigilan nyo yan!" awat ni attorney na tulad nila ay tumayo na rin. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon