Chapter 1 ♥ She's Officially Back

73.9K 1.1K 133
                                    

A/N: As promise here's the first chapter of LTMS book 2 :))) Thank u so much po sa mga naglike nung pics sa fb! Nag #1 sya sa LIKES! WOOOOHHHH! at dahil sa inyo yun Listeners! at sa ibang pang nagspread at naglike syempre XD How cool was that? ^O^)/ 

A big shout out for KristileneCamarillas! For creating this beautiful Fansign ♥ --->

Thank u so much dear!!! Really appreciated it ♥ Godbless! :)

THANK YOU SO MUCH LISTENERS!! 

ENJOY!!

VOTE.COMMENT.VOTE.COMMENT! Tell me what you think! ;)

P.S. Pardon moi kung may makikita kayong smileys dito Listeners. (ermergherd jejedays) Napapapalo na lang ako sa aking noo. Hindi ko pa naeedit!! Hahahaha!! Pero later on sa mga susunod na mga chapters pramis wala na kayong gaanong makikitang smiley. I learned my lesson and hopefully as I write and write, I also improve my writing style. So tell me what you think! :D 

♥♥♥

Chapter 1

"Manong magkano po itong palamig nyo?"

"Limang piso lang po ma'am! Masarap yan!"

"Sige po manong. Pabili isa."

Inabot ko ang pera kay manong at masaya naman nya itong tinanggap bago inabot sa akin ang palamig na binili. Ginamit kong pamaypay ang isa kong kamay dahil sa init ngayong araw na ito. Hindi pa nga ganun kalayo ang nilalakad ko pero pinagpapawisan na ako. Buti na lang nakita kong may nagbebenta ng palamig habang naglalakad sa daan. 

"Salamat po." Mabilis kong ininom ang malamig na inumin at napangiti dahil narefresh na naman ang katawan ko. Grabe. Akala ko madedehydrate na ako kanina eh. 

"Tumutugtog po ba kayo ng instrument ma'am?" 

Tanong ni manong kaya napakunot noo ako. Itinuro nya ang casing ng violin na suot suot ko sa likod at napangiti sa reyalisasyon. Galing ako sa park at tumugtog ng violin kanina. Nagiging habit ko na nga eh. Pero syempre doon pa rin ako sa parte ng park kung saan walang gaanong tao.

"Opo manong." sagot ko. Muli nyang tiningnan ang nasa likod ko at biglang napakunot noo. Marahil nagtataka kung anong klaseng instrumento ang dala dala ko.

 

"Violin. Tumutugtog po ako ng violin."

 

"Wow. Ang sosyal nyo naman po ma'am. Ngayon lang po ako nakakilala ng tao sa personal na tumutugtog ng violin. Medjo madalang kasi ang ganyang instrumento sa Pilipinas. Mas  ano po kasi tayo sa gitara eh at paminsan minsan piano kung may pera. Pero violin? Mukhang may kaya kayo ma'am ah. Ang galing nyo po siguro noh?" Binigyan nya ako ng ngiti, puno ng paghanga sa kanyang mukha,

"Naku hindi naman ho." Sinuklian ko ang ngiti nya. Pakiramdam ko namumula ako dahil sa paghanga na pinapakita nya sa akin.

"Teka ma'am. Alam nyo po parang may kahawig kayo." 

Kinuha nya ang dyaryo malapit sa tabi nya at kunot noong hinahanap ang pahina na hinahanap nya. Napalunok ako bigla. Oh no please. Wag dito. Wag dito sa parke kung saan maraming tao. 

"A-ah eh manong salamat po sa palamig nyo ah. Aalis na po ako." Inayos ko ang suot na nasumbrero bago tumalikod at naglakad palayo.

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon