Chapter 32 ♥ Acapella Song

34.3K 409 54
                                    

Chapter 32

Pagkadating ko sa Maeda Mora noong araw ding iyon, balik ako ulit sa disguise look ko. Marami na ang estudyante sa paligid dahil magsisimula na ring magbell para sa unang klase. Walang pumapansin sa akin, isang bagay kung saan ako masaya. Bukod siguro sa tinatawanan ako ng iba dahil sa wirdo kong ayos ay yun lang. Walang nakakakilala na ako Serene Lopez na sikat na myembro ng The Intricate band. 

"Shay!" Lumingon ako sa tumawag ng disguise name ko rito sa Maeda Mora. Nakita ko si Clarisse na tumatakbo sa papalapit sa akin. Hindi ko sya pinansin at nagtuloy tuloy na maglakad.

"Shay! Hindi ka man lang marunong maghintay? My gahd. Nabingi ka na ba?" 

Inis ko syang tinuran. 

"Utang na loob Cla--" napangiwi ako sa pagkakamali ko. "Anna. Shey ang bigkay doon at hindi 'siya'y'"

"Whatever." irap nya sa akin. "Same thing. Shey, Shay, parehas lang na Retokada."

Tapos iniwan na nya akong mag-isa. How dare she! For all I know, sya ang may kasalanan kung bakit pumangit ang pangalan ko!

"Nagpapahintay ka tapos ikaw rin pala ang mang-iiwan." Sumunod ako sa kanya. Sabay na kaming naglalakad ngayon. 

"Well, may choice ba ako na sumama sayo? Wala." She bluntly stated. "Kayo lang naman nila Souta at Pietr ang kakilala ko rito." Sabagay tama sya. Forever stuck na nga yata kami sa isa't-isa. What a life. 

Papasok na kami sa una naming klase ng mapansin na tila yata umiingay sa buong hallway. May dumadaan sa gitna, nakayuko. Pinagtatawanan sya ng karamihan ng mga estudyante sa paligid habang binabato ng kung anu-ano. Noong may tumama sa ulo nya, nilingon nya ang taong nagbato nito at saka taas noong nilapitan. Takot na lumayo ang estudyanteng iyon sa kanya. 

"Lumayo kayo jan! Anak 'yan ng mamamatay tao!" 

"Balita ko napasabak na naman daw sya sa gulo kahapon. Kababaeng tao basagulero!" 

"Wag nyong kausapin iyan! Baka isunod kayo sa mga biktima nya!" 

"Salot! Walang may gusto sayo rito! Bakit kasi pumasok pa yan!" 

Mag-isa syang pumasok sa classroom, nakayuko lang sya na tila ba wala ng lakas para sumumbat sa mga taong halos pagkaisahan sya. Walang pumasok sa loob pero patuloy pa rin ang mga bulong bulungan tungkol sa kanya. Mag-isa syang umupo roon sa loob. May ibang loko lokong estudyante ang patuloy pa rin na namamato sa kanya ng kung anu-ano. Noong may nakita akong namulot ng bato sa labas, umakto na ako. Mabilis akong pumasok sa loob at saka sinalo ang bato na dapat sana ay tatama sa kanya. Gulat akong pinagmasdan ng lahat ng mga estudyanteng nakakita. Hindi ko sila pinansin at humarap doon sa babae na kapapasok lang. Iniangat nya ang ulo nya sa akin.

Sa mga mata na ipinapakita nya sa akin, parang hindi sya makapaniwala na may tumulong sa kanya. 

Ngumiti ako. "Okay ka lang ba?" 

Hindi sya nagsalita at tahimik akong pinagmasdan. Nakaawang ang kanyang mga labi dahil sa gulat. Nakatali ang buhok nya at may bangs na natatakpan ang buong noo nya. Naalala ko tuloy ang pinsan ni Rico sa kanya. 

"Sino ba yan ha? Tinutulungan nya yung salot!" 

"Baka magkakampi sila! Batuhin na rin yan!" 

Bago pa nila ako mahagisan ay inihagis ko na pabalik ang bato doon sa estudyanteng pasimuno nito. Diretso ito sa mukha nya kaya natumba sya sa sahig. Tahimik na nakatitig ang lahat ng estudyante sa akin. Sinipa ko ang isang upuan diretso kung nasaan sila. At sa isa pang upuan sa tabi ko, ipinatong ko ang ang paa ko rito. Para akong siga sa kanto dahil sa pustura ko ngayon. Kapag nakita siguro ako Reece ay papagalitan nya ako at sasabihing para akong hindi babae dahil sa ikinikilos ko. 

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon