Chapter 33 ♥ Consequences

32.9K 380 65
                                    

Chapter 33

Jace's POV

Sa bawat mabilis na paghinga. 

Sa pagtagaktak ng pawis sa noo.

Pakiramdam ko matutumba ako sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang pagod. Iginala ko ang paningin sa buong paligid at ganun din ang mga kasama ko. Kanina pa kami naglalaro ng basketball-- kami, laban sa mga grade twelve students na syang papalitan namin next year. Nakayuko ako habang nakapatong ang dalawang kamay ko sa magkabilaang tuhod. Hinahabol ko ang hininga ko, napakabilis ng tibok ng puso ko. 

"Jace okay ka lang?" nilingon ko ang tumapik sa likod ko at nakita si Nathan. Tulad ko ay hingal na hingal na rin sya dahil sa pagod. Halos mamula pa ang mukha nya dahil sa walang tigil naming pagtakbo. 

"Okay lang." tumayo ako ng maayos kasabay nito ay ang pagpito ng P.E teacher namin para sa ilang minutong break. Bagsak kaming umupo ni Nathan sa may upuan para magpunas at uminom ng tubig. 

Napakaraming estudyante ang nanonood. Sa totoo lang ay magmula pa noong magsimula ang game ay nagsisihiyawan na ang mga babae sa paligid. Hindi ba sila napapagod? Practice game pa lang ito pero ganyan na sila. Paano pa kapag totoong game na?

 Nilagok ko ang tubig na iniabot sa akin. Kung saan saan gumagala ang mga mata ko. Lumilingon lingon sa paligid dahil baka sakali, makita ko ang hinahanap ko. 

"Jace hoy!" may biglang tumulak sa akin mula sa likod. Sa sobrang gulat ay napaubo pa ako dahil sa iniinom kung tubig. Iritado kong nilingon ang may gawa nito sa akin.

"Ano ba! Kita ng umiinom yung tao eh!" 

"Whoa, whoa there Jace! Chillax dude! Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman lumilingon." taas kamay na sagot ni Rico sa harap ko. Biglang nagliwanag ang mukha nya at saka ako binigyan ng nakakalokong ngiti. "Aah. Hinahanap mo si Serene noh?" 

Hindi ko kinumpirma ang iniisip nya. "Bakit ba kasi?" tanong ko. 

Kabado nyang iniabot sa akin ang hawak nya noong mapansin na naiirita pa rin ako. "Bibigyan lang sana kita ng lollipop. I-ito o," 

Hinawakan ko ang noo ko at napailing. Gayunpaman, kinuha ko na sa mga kamay nya ang iniaabot. Lahat ng team mate ko ay kumakain na ng lollipop. Napailing ako ng makita ito. Ibinulsa ko ang akin. 

"Grabe lang, kung makapaglaro ang mga grade twelve parang galit na galit sila sa atin. Tsk." Tumingin ako kay Shane na nakatayo sa tabi ko. Nakatupi ang mga braso nito at tahimik na pinagmamasdan ang mga kalaban namin sa kabilang dulo ng gym. 

"Sinabi mo pa! Ilang beses kaya akong binangga nung number 14! Ang dumi nilang maglaro! Hoy Nathan tabi nga jan uupo ako." reklamo ni Rico habang pinapausog si Nathan sa upuan. Padabog syang umupo rito. 

"Napaka-unprofessional." iling ni Nathan. 

"Takot yata sila na tayo ang papalit sa kanila." ngisi ni Niel. "Gusto nilang ipakita sa atin na sa huling taon nila sa Princeton, sila pa rin ang pinakamagaling." 

Marami nang nakuhang award ang Princeton at karamihan doon ay ang sport ng basketball. Sa buong district, ang school namin ang namamayagpag dito. Nakarating na ang basketball team namin sa national at international competition. Kaya hindi nakapagtataka na medjo matataas na ang lipad ng ere ng mga myembro ng team. Siguro kung may pagkakataon lang, ayaw nilang grumaduate. Ayaw nilang may pumalit sa kanila. 

Listen To My HeartWhere stories live. Discover now