Chapter 9 ♥ Secrets (Part one)

46.3K 521 31
                                    

Dedicated to her :)) Thank u dear for such a lovely banner!! Keep inspiring!!

♥♥♥

Chapter 9 (Part one)

"I'm alright." Tumayo ako ng mag-isa ng hindi tinatanggap ang kamay na alok sa akin

Nasa likod ko na si Jace ng hindi ko namamalayan. Inalalayan nya akong tumayo at tinulungang pagpagin ang damit ko. Sandali pa akong napatingin sa dalawa; kay Pietr at Jace, pabalik balik. Pero ng mapansin ang basket na dala dala ko sa baba ay agad na napunta roon ang buong atensyon ko. Sayang naman yung mga pagkain!

"The last time I checked, this is not the floor you're supposed to be in. You're with Mr. Andrada right? Huli ka na sa meeting."

Habang nakayuko at pinupulot ang basket ko sa baba tumingin ako kay Jace. Wala na atang mas hihigit pa sa tensyon ng dalawang taong nagtitigan, mata sa mata, na para bang may laser beams ang mga mata nila at hinihintay lang na matunaw sa tigtig ang bawat isa.

Ngumisi si Pietr. "You don't need to tell me. I know my schedules."

"You're already late." tono ni Jace na pamilyar na pamilyar na sa akin. Pinaka ayaw nya talaga sa tao ay yung late. Buti pa ako hindi. Di ba? 

"Not a good attitude for someone as a soon vice-president of this company like you. Don't you think?"

Ngumisi rin si Jace pero sa tuwing tinitingnan ko ang palitan nila ng ngisi sa isa't isa kinikilabutan ako. But wait whoa-what?! Vice-president?! Bakit ngayon ko lang nalaman yun??

"Not really," Pietr chuckled. Ipinasok nya ang dalawang kamay sa bulsa nya. Hindi man ako direktang nakatingin sa kanila pero alam ko sa akin na sya nakatingin 

"'coz I feel like it's worth it though. I can't wait to start working already"

Napansin ko ang pagkuyom ng kamay ni Jace habang nanatili pa ring nakatingin kay Pietr. Si Pietr naman muling ibinalik ang tingin kay Jace. Para ngang tuwang tuwa pa sya eh.

"I think..." tumayo na ako ulit. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang tensyon sa paligid. "We better g--"

"Oh. Really?" sagot ni Jace sa sinabi ni Pietr kanina. Full of sarcasm in his voice "Guess, I can't wait working with you too."

"I know. And this will be fun.ani ni Pietr na may nakakalokong ngisi.

Ilang beses ko pang sinubukang magsalita pero sa tuwing magsasalita ako laging napuputol dahil sa pagsagot nila sa isa't-isa. Tila ba walang balak magpatalo kahit sa simpleng palitan lang ng salita. Okay. Sige na sige na, kayong dalawa na lang ang mag-usap. Kunwari wala ako dito. Hula ko nga kahit sumigaw ako dito ng darna! Eh wala pa ring papansin sa akin kahit na pati ang dumaraming audience sa paligid. Parang soap-opera na sinusubaybayan at papalapit na sa climax. Ganun sila ka-intense.

Dumating si Aiden at pagkadating na pagkadating nya ay natapos na rin sa wakas ang staring contest na nagaganap sa pagitan nila. Kala ko nga may bugbugan na magaganap buti na lang wala. Napakarami pa man ding tao sa paligid buti na lang ginamit pa rin nila ang utak nila kahit papaano.

"Aiden. Cancel all my appointments and meetings today. I have more important things to do" utos ni Jace sa kanya bago nya ako hinila sa kamay palayo sa kanilang lahat. Sa sobrang pagmamadali nya hindi ko tuloy nadala yung basket na nilapag ko sa baba. Sayang naman yung mga niluto ko doon para sa kanya

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon