Epilogue V

14.1K 368 75
  • Dedicated kay To My Listener Loyalistas
                                    

Author's Note: 

Ipopost ko na today yung LTMH part 5 Epilogue. Excited na ba kayo? 
Huling hirit! Dahil mahaba yung part 5 hinati ko ulit sya. So may part 6 Epilogue pa na isusunod ko. Yun na talaga ang last pramis! hahahahahaha.

Hindi ko muna ipopost yung 6 agad agad para makahinga naman kayo. LOL. Comment kayo ah! Pag walang sapat na comment walang ending! (Wow medjo hard xD)

Ano ready na? Game!

Enjoy reading Listeners! LOVE YOU ALL!! 

♥♥♥

"Serene, at what cost? Alam nating lahat na hindi ka bababa ng walang dahilan." seryosong sambit ni Jace na nakapagpahinto sa akin. Nandito kami ngayon sa bago kong opisina sa bagong tayong Ellipses Headquarters. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko roon. Binuksan ko ang isang kahon na may laman ng mga pictures ko, namin ni kuya Niel, at Jace. Meron din kaming picture kasama ang buong barkasa habang kumakain kami sa cafeteria ng Princeton. Isinabit ko ito sa may dingding sa likod ko at pagkatapos, tulala itong tiningnan.

"Bakit mo naman nasabi yan?"

"We both know na hindi basta basta makababa ng trono sa gangster society ng ganun ganun na lang."

"Jace..."

"And don't give me that reason, na gusto mo lang ibigay ang dapat na sa akin. That reason is weak and invalid. You need a strong supporting reason, isang bagay na sa tingin ko ay napag-isipan mo na pero hindi mo lang sinasabi sa amin."

Jace's and his witty observation and logic. Maraming nagsasabi na minsan para raw syang si Pietr pero masasabing kong mas maraming oras na sya pa rin si Jace. Tulad na lang nito ngayon. Masyadong nyang inoover analyze ang lahat ng bagay.

"Ano 'to essay?" Biro ko sabay tawa. Wala syang reaksyon.

"Serene, seryoso 'to."

Itinaas ko ang dalawang kamay ko na akala mo sumusuko ako. "Okay, fine. I don't mean to be like that okay? Masyado kang seryoso."

"Hindi mo kailangang bumaba sa pwesto mo."

"I already did Jace at naayos ko na ang lahat. Wala ka nang kailangan alalahanin pa. Noong una pa lang, sa Battle of the Gangs, ikaw na talaga ang nararapat doon. Tumanggi ka lang sa alok ng high council, hindi ba? Ibinabalik ko lang ang dapat na matagal nang iyo. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin? Yun lang yun. Para matapos na ang gulo."

Masinsinan nya akong tiningnan. Yung tingin ba akala mo nakikita nya ang buong pagkatao ko. Ibinababa ko ang tingin ko. Biglang namula ang mga pisngi ko.

"Pero yun ang gusto mo diba? Hindi ko kailangan ng titulo."

Ibinaba ko ang nakaframe na picture naming dalawa sa mesa ko. Huminga ako ng malalim.

"Jace, siguro ito na ang oras para isipin mo na rin ang sarili mo. Wag lang puro ako. Dahil kung ano ang meron ako ngayon, masaya na ako. Besides, marami pa akong kailangang ayusin dito sa Ellipses. Magagahol ako sa oras kung ako pa rin ang Gangster Queen. Hindi ko kayang mapagsabay sabay pamunuan ang lahat ng gang na sakop ng Gangster Society pero ikaw alam kong kaya mo."

"Serene.."

"May tiwala ako sayo Jace. I think its time for the King to take over and the Queen to be on the sideline from now on. The role was reversed but I will always be here. Just like what you did when I was still on the throne."

Listen To My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon