CHAPTER 67

44 5 0
                                    

MAYA's POV

"Kausapin mo ako, Gansa!"

Masama niya akong tinitigan, nagkuyom kamao pa siya.

"Ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? Matapos mo akong iwan ng gano'n na lang?"

Nakatoga pa siya pero kung magalit akala mo naman hindi siya grumaduate. Pero kung sabagay, may karapatan siyang magalit dahil sa pag-alis ko na hindi nagpapaalam.

"I have a reason—"

"Reason?! Punyetang reason na 'yan!" Tumalikod ito sa akin at walang pasabing umalis.

Hahabulin ko pa sana siya nang harangan ako ni Freya.

"Hayaan mo munang palamigin ang ulo niya."

"Tss."

Aangal pa sana ako nang hilahin na niya ako paalis doon.

"Pasakay ako, ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin nang akmang sasakay na siya sa motor ko.

"Ngayon ka na nga lang nagpakita ulit, hindi mo pa ako pasasakayin sa motor mo." Pagrereklamo niya.

"Hindi ka ba susunduin ni Maureen?"

Nagkibit balikat siya saka napasimangot.

"Nagugutom na rin ako, kaya pasakayin mo na lang ako. Please."

"Walang ibang sasakay dito kundi—"

"Kundi si Gansa lang?"

Hindi ko pinansin ang tanong niya at sinuot ko na ang helmet ko.

"Sumakay ka na, bago pa magbago ang isip ko."

Agad siyang sumakay at mukhang masayang-masaya pa siya.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan para maihatid ko na agad si Freya. Nagugutom na ang babaeng 'to kaya dapat lang bilisan ko pa.

"Balak mo talaga akong patayin, 'no?" Reklamo niya nang makarating na kami rito sa kanila.

Hindi ko siya sinagot at umalis na roon. Wala na akong oras pa para makipagdaldalan sa kaniya.

Pagkauwi ko ng apartment ay nadaanan ko pa si Aspen na nakahilata sa may sofa. Nagulat siya nang makita ako.

"M-maya?!" Gulat na tawag niya sa pangalan ko. "Kailan ka pa dumating?"

Hindi ako rito dumiretso kanina. Sina Zu fu ang sumundo sa akin kanina sa airport kaya sa mansion nila ako dineretso.

Umupo ako sa single sofa at saka kinuha ang can beer na nasa lamesa. Binuksan ko ito at agad na ininom.

"May problema ba?" May pag-aalalang tanong niya pa sa akin.

Ngumisi ako at pinisil ang lata ng beer dahil sa galit sa sarili. Naubos ko na agad kaya walang nag-lick.

"Pahiramin mo muna ako ng damit, pwede ba? Wala akong nadala, eh." Tumayo ako at kinausap siya.

Tumayo rin siya at pumasok sa kwarto niya.

"Oh, heto. Malalaki mga damit ko kaya pagpasensyahan mo na."

Kinuha ko ang damit na kinuha niya sa kwarto niya.

"Isasauli ko rin bukas pagkatapos malabhan."

"Walang problema sa akin kahit kailan mo pa sauli."

Nagpaalam na ako sa kaniya para makaligo na ako. Parang lagkit na lagkit ako sa pagbyahe kanina, hindi ako nakaligo pagkauwi ko dito sa Pinas, dumiretso agad ako sa paaralan namin para makahabol pa sa graduation nina Gansa.

COLD INTO HOT Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu