Chapter 71

47 5 0
                                    

MAYA's POV

"Ano bang nangyari?" Tanong ko kay Freya, umiiyak siya sa harapan ko na hindi ko naman alam kung anong nangyari.

"Magsasalita ka ba o tatanggalan kita ng bibig?" Banta ko sa kaniya.

Natigil siya at sinamaan ako ng tingin.

"Tangina, Maya, ang sarap mo maging kaibigan. Sobrang saya ko ngayon dahil kinocomfort mo 'ko." sarkastikong sagot niya.

Pinunasan nito ang luha sa kaniyang pisngi at saka bumuntong hininga.

"E, medyo tanga ka naman kase. Iiyak-iyak ka sa harapan ko na di ko man lang alam iniiyakan mo. Paano kita icocomfort? Tss."

Kinuha nito ang panyo niya sa bulsa at saka binuhos doon ang uhog ng babaeng 'to.

"I saw Lui, may kasama siyang ibang babae. Nambababae na siya, Maya! Waaaahh.." mas lalong nag-ingay ang umiiyak na Manok.

Napailing na lang ako in disbelief. Mukhang tanga nga talaga siya.

"Tangina mong Manok ka, ba't ka sa'kin lumapit?"

Nagtaka siya sa tanong ko.

"Huh?" Walang clue na tanong niya at natigil pa ang pag-iyak niya.

"Hummer!" Pambabara ko.

"Ang saya mo nga talaga kausap.." napapalakpak pa siya sa pagkasarkastiko.

"Ba't kase di mo kausapin 'yong tao? Paano mo malalaman kung babae niya 'yon o pinsan lang niya?"

"Takte, wala naman siyang pinapakilalang pinsan niya. Malamang babae niya talaga 'yon."

Nagcoconclude na agad siya sa utak niya. Di man lang marunong mag-isip ang babaeng 'to.

Napasinghap na lang ako sa hangin. I'm done. Kung pinapairal niya ang inis at selos, walang mangyayari sa kaniya.

"Oh, sa'n ka na pupunta?" Napapasinghot pang tanong niya sa akin, naiiyak pa rin siya.

Tumayo kasi ako kaya napakunot noo siya sa pagtataka.

"May kailangan pa akong tapusin. Kung ayaw mong kausapin si Lui, ipapakausap ko siya kay Gansa."

Umalis na ako na walang pasabi sa kaniya. Wala na akong time pa para sa pag-iyak niya. Ayaw na ayaw ko ang may umiiyak sa harapan ko.

"Oh?" Kausap sa kabilang linya ng phone.

Pasakay na sana ako sa sasakyan ko.

"Umuwi ka ng maaga dito sa mansyon." Sagot agad ni Mac Dave.

Nakapagtataka na sobrang seryoso ang kaniyang boses. Seryoso naman dati ang boses niya pero mas sumeryoso ngayon.

"Is everything alright?" Takang tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Just come home, right now."

Pinatayan ko na siya ng tawag at agad na pinaandar ang sasakyan papunta sa mansyon.

Pagbungad ko palang ay nandoon na ang buong angkan namin. Mukhang may fiesta.

"Shane!"

Isang malutong na sampal ang inabot ko kay Auntie Veronica. Lumapit si Dave sa kaniya para awatin. Napahawak lang ako sa pisngi kong nasampal niya. Galit na galit ang mukha nito habang nakatitig kami sa isa't isa.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now