CHAPTER 23

57 7 0
                                    

MAYA's POV

"Maya." Mahinang yugyog at mahinang tawag sa pangalan ko ang pumukaw sa pagkakatulog ko dito sa library. "Maya bawal kang matulog dito sa library."Bulong sakin ni Lui kaya paunti unti ay minumulat ko ang aking mga mata.

"Ikaw na naman?" Walang ganang usal ko.

"Oo. At ikaw, umayos ka na dyan dahil mahuhuli at mahuhuli ka kung nagpatuloy ka na matulog dyan."Nakangiting sagot naman nya sabay hila nya sa isang upuan papalapit sa gawi ko saka sya umupo.

"Tss." Umayos na lang ako ng upo at malayo ang iniisip.

"Ayos ka lang?" Malumanay na tanong nya sakin ngunit di ko sya pinansin. "Sabihin mo sakin kung ayos ka lang o hindi ha?"

"H'wag mo akong kakausapin, di tayo close." Walang reaksyong sagot ko agad sa kanya kaya napatigil sya saka sya napatingin sa hawak nyang libro.

Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa paligid ngunit walang nagtangkang basagin ito.

Hanggang sa may tumikhim sa harapan namin kaya naagaw ito nang pansin namin.

"Lui!" Matigas at masamang tinging tawag ni Gansa sa kaibigan nya kaya napapailing pa ako habang nakatingin sa kanya.

"Oh Silver, ikaw pala.. Gusto mong makijoin?" Nakangiting tanong ni Lui sa kanya ngunit masama parin ang tingin nito sa kanya.

"Layuan mo sya!" Matigas nyang saad kaya napakunot noo si Lui sa kaibigan nya sabay tingin sakin.

Napapatingin na rin ang ibang estudyante dito sa loob malapit samin.

Ngunit nagkibit balikat naman ako saka ako tumayo at binalik na sa shelves na ang librong hawak ko saka ako umalis.

Binulsa ko naman ang dalawa kong kamay sa pantalon ko saka preskong lumabas ng library.

"Tss. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan." Maangas na bulong ko habang napapailing na naglalakad.

"Maya!!" Patakbong lumapit sakin si Freya nang tuluyan na akong makalabas ng library.

"Oh?" Nagtatakang tanong ko naman sa kanya.

"O-ok ka lang ba?" Kinakabahang tanong nya sakin kaya napatungo ako saka ako marahang napabuntong hininga.

"Tara.." Tanging sambit ko at hindi ko na sya hinintay pa at nauna na akong maglakad.

"S-saan tayo p-pupunta?"

"Sumunod ka na lang." Walang ganang sagot ko sa kanya kaya sumunod na lang sya.

CANTEEN

"Libre mo ako ulit?" Nakangiting tanong nya nang nasa tapat na kami ng counter.

"Hindi. Mahirap lang ako." Walang reaksyong sagot ko sa kanya kaya napabusangot na lang sya.

"A-ah oo nga pala." Parang alam na nya kung bakit.

Magkano na lang ang natitirang perang nasa bank account ko. At lahat nang yun ay ipon ko pa noong nabubuhay pa sina mommy at daddy na di ko masyadong nagagamit. At nang kopkopin na ako ng pamilya ni Freya ay binibigyan naman nila ako noon ng allowance ko kahit hindi ko tanggapin.

"Sasabihin ko kina mo—"

"Hindi na." Agad na putol ko sa kanya.

"P-pero.."

"Hayaan mo akong ako na ang gumawa ng paraan."

"Anong balak mo?"

"Bibili ng pagkain." Sagot ko sa kanya saka ako napatingin sa mga nakahilerang pagkain sa lamesa.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now