CHAPTER 30

102 11 0
                                    

MAYA's POV

Pagkaupo ko ay agad na lumapit si Monicqe sakin habang nakangiti pa ito.

"Maya, heto na yung sched mo." Sabay abot sakin ng isang band paper. Kinuha ko naman agad ito saka ko tiningnan. "Uhm.. Maya, ok lang ba sayong maging waitress? Yun kase sana ibibigay sayo ni mommy eh. Kung ok lang sana sayo?" Napatingin pa ako sa kanya nang marinig ang tanong nya.

Masaya na ako sa ganung trabaho. At least kahit papano, may pagkukunan na ako ng pang-araw-araw ko.

"Oo. Ok na ok sakin. Salamat." Walang emosyong sagot ko sa kanya kaya ngumiti naman sya saka tumango.

"Wala yun.. Basta pagbutihin mo lang. Baka bigyan ka pa ni mommy ng bunos mo pag ganun. Hehe."

"Mmmm.. Paki sabi rin sa mommy mo, thank you."

"Oo naman. Makakaasa ka." Matapos nya yun sabihin ay naupo na sya sa tabi ko. Sakto naman ang pagdating ni Freya na mukhang malungkot. Napatingin naman sa kanya si Monicqe.

"Teh, alam kong pangit ka pero huwag mo naman lalong papangitin yang mukha mo." Natatawang asar ni Leinard sa kanya kaya naptingin kaming dalawa ni Monicqe sa gawi nya.

"Che! Mas maganda pa ako sayo noh!" Nakabusangot na ganti naman ni Freya sa kanya. Nagkatinginan kaming tatlo nina Leinard at Monicqe saka kami napapailing.

Pabagsak na naupo si Freya sa tabi ko at napapagitnaan nila ako ni Monicqe. Umupo naman si Leinard sa may harapan namin na pinaharap rin ang upuan samin.

"Mga teh, may sinalihan na ba kayong club?" Nakangiting tanong samin ni Leinard kaya napailing naman kami ni Freya. "Wala pa? Bakit?" Dismayadong tanong nya.

"Aba, malay ba namin na may club-club pala dito sa paaralan ninyo?" Masungit naman na tanong ni Freya sa kanya kaya inirapan lang sya ni Leinard.

"Required kase yun teh. Tsaka bago naman kayo makapag-enroll dito eh dapat alam nyo na yun."

"So, kasalanan pa namin kung ganun? Ehdi sana pinaalam muna nila samin bago kami nakapasok dito. Hindi yung saka lang nila sasabihin pag ganitong nakatagal na kami dito."

"Huy bruha! Classroom president lang ako dito ha? 'Wag mo akong sinasagot-sagot ng ganyan."

"Eh ano naman ngayon? Porket president ka hindi mo na samin sasabihin kung anong dapat naming gawin dito ha?? Diba dapat ikaw pa ang mauunang magsabi samin kung anong dapat naming gawin? Dahil ikaw ang president dito?"

"Kaya nga sinasabi ko na diba? Ang daldal mo lang rin eh noh??"

"Tss. Ewan sayo."

"Tama na nga yan. Baka mamaya magsabunutan pa kayo nyan eh." Suway at sabat naman ni Monicqe sa kanila.

Ako naman, pinapanood ko lang sila. Wala akong ganang umawat sa kanila.

Matapos silang magsagutan ay humalukipkip si Freya saka sya mas lalong bumusangot. Si Leinard naman, nakangisi sa kanya.

"Ikaw Maya, gusto mong sumali sa club namin?" Nakangiting baling sakin ni Leinard. Umiling naman ako at hindi sya pinagtuunan ng pansin. "Bakit ayaw mo? Sali ka na para mas masaya."

"Ayoko. Kayo na lang."

"Sige na. Masaya yung club namin. Alam kong magugustuhan mo dun."

"Wala akong panahon sa ganyan."

"Eh? Bakit? Required naman talaga ang pagsali sa mga club eh."

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now