CHAPTER 61

48 8 0
                                    

MAYA's POV

Ilang araw ang lumipas ang panliligaw sakin ni Gansa. Madalas ay kasama ko siya at dumidikit sakin. Halos araw-araw na nagtetext at tumatawag kahit na nasa CR lang kami nina Freya. Hindi niya gusto yung way na ginagawa ko sa kaniya. Parang ako pa daw talaga ang nanliligaw sa kaniya.

Lagi ko siyang inihahatid sa kanila tuwing hapon. Naiinis siya sakin dahil ako pa talaga ang naghahatid sa kaniya. Pero gusto ko lang makasiguro na safe siya.

"Delos Reyes.." napatingin ako sa likuran ko nang marinig si coach Bon.

Galing ako sa faculty kanina para ipasa ang mga notebook namin sa filipino kay Mrs. Alconis.

"Coach."

Ngumiti siya sakin. "Meet me in my office later, after your classes. I'll talk to you about your skills in Tae-Kwon-Do."

Tumango ako sa kaniya. Nagpaalam na siya saka naman ako pumasok na sa classroom namin. Monday ngayon at talaga nga namang nakakabigat sa katawan ang pagtratrabaho ko kina Monicqe. Pero at least, sumasahod ako.

"Ba't ang tagal mo?" Bumungad agad sakin ang masamang timpla ng mukha ni Gansa pagkarating ko dito sa upuan ko.

Hindi ko siya hinarap at umupo lang ako. Ganyan siya lagi sakin. Hindi niya ako kayang mawala sa paningin niya. Kung pwede lang ay itinali na niya ako.

"Ano ka ba, Gansa...Nagpaalam naman siya kanina na ipapasa niya lang yung notebook natin sa Filipino, diba?" Si Freya ang sumagot sa kaniya.

"Tsk. Hindi naman ikaw ang kausap ko eh. Ba't ba nangengealam ka?"

Ganyan din ang trato nila sa isa't isa...ang dalawa tuwing may ayaw si Freya na ugali si Gansa. Hinahayaan ko lang sila hanggang sa magsawa sila.

Natapos ang klase namin sa umaga at lunch break na namin. Hindi na kami masyadong pinag-iinitan ng ulo ng nga instructor namin. Since graduating na naman din kami.

"Anong gusto mong ulam?" Maamong Gansa'ng tanong niya sakin nang nakarating na kami dito sa counter.

Nagtitingin naman ako ng mga ulam. Laging gulay ang pinipili ko kaya lagi din akong pinapagalitan ni Gansa na magkarne naman daw ako.

"Hmmm.. manang, isa nga pong pakbet na talong at isang adobong sitaw." Kausap ko sa nagtitinda. Pero bago pa siya makasandok ng ulam ay nagsalita na si Gansa.

"Hindi pwedeng puro gulay na lang. magkarne ka... Manang, pakbet lang po at saka adobong manok." Agad na suway niya.

Napailing na lang ako sa kaniya. Kahit kailan talaga ganyan na siya. Siya yung nasusunod minsan.

"Sila na ba talaga?"
"Hindi pa daw. Nanliligaw palang si Gansa kay Ibon."

"Napanood mo ba yung proposal ni Gansa kay Ibon last week, Madi?"
"Oo. Sobrang swerte ni Ibon. Ang gwapo ni Gansa eh. Kyaahh!"

"Lory, tingnan mo sina Ibon at Gansa, ang cute nila noh? Napapansin ko na yan dati."
"Same.. Kaso, nakapagtataka lang na sila pala sa huli. Kase akala ng lahat na sina Ricca at Silver eh."

"Mas lalo atang sumisexy si Ibon nang naging manliligaw niya si Gansa noh?"
"Oo pansin ko rin. Siguro kung may uniform na sila ni Manok, mas babakat ang shape ni Ibon."

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now