CHAPTER 28

90 9 6
                                    

MAYA's POV

"Maya wait me!" Rinig kong sigaw ni Monicqe habang naglalakad ako papunta sa field.

"Putek! Kabilis nyo namang maglakad!" Rinig ko ring sigaw ni Freya na mukhang mas nahuhuli samin.

"Woi Monicqe, ba't ka sumama samin ha? Friend ka namin? Friend?" Sarkastikong tanong ni Freya nang nakahabol na sya samin habang hingal na hingal pa silang dalawa.

"O-oo. Kahit tanungin mo pa si Maya. Diba Maya?" Baling pa sakin ni Monicqe habang hinihingal din. Tiningnan ko lang sila nang masama at mabilis na naglakad papunta sa lilim ng mangga.

"Maya, totoo ba ang sinasabi nang babaeng 'to? Friend na natin sya?" Pamimilt pa ni Freya nang nasa lilim na kami at naupo na rin sila.

"Tss. Ang ingay." Bulong ko naman habang papapikit na ako.

Sobrang sakit ng ulo ko tapos dumadagdag pa sila.

"Huwag mo na ngang kulitin si Maya. Kita mo namang hindi ka na nya kinakausap eh."

"Pakealam mo ba? Hindi ka naman talaga namin friend."

"Sinabi na ngang friend na ako ni Maya. Si Maya lang naman friend ko eh, hindi naman ikaw."

"Nye nye nye.. Kahit na, pinsan ko naman si Maya at kailangan mo rin akong tanungin kung gusto ba kitang maging friend."

"Eh ba't ba kailangan malaman mo pa? Si Maya lang naman gusto kong maging friend eh, hindi naman ikaw."

"Eh kung kutusan din kaya kita dyan?"

"Sige nga, subukan mo."

"Aba at parang gusto mo rin eh noh?"

"Shutangina!! Titigil ba yang mga bibig nyo o kailangan nyo pang magpatayan para lang tumigil??! Kita nyong namamahinga ang tao dito eh!" Sita ko sa kanila kaya parehas silang napatingin sakin at napatigil. "Kung gusto nyong magpatayan, 'wag dito. Duon kayo sa maraming taong makakakita sa inyo para makita nila kung paano kayo magsabong dyan!" Dagdag ko pa saka ako bumalik sa pagkakapikit at pagpapahinga.

"Ikaw kase."
"Anong ako? Ikaw kaya." Rinig ko pang bulungan nila kaya tumingin ulit ako sa kanila saka ko sila tiningnan ng masama. "Sabi nga namin, titigil na." Sambit naman ni Freya saka sya bumaling ulit kay Monicqe.

Naging tahimik ang paligid ko kaya mapayapa akong nakapagpahinga kahit ilang minuto lang.

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa pagitan nila. Basta ako, magpapahinga.

.......z z z z z z z Z Z Z Z Z z z z z z .........

Pagkagising ko ay agad akong napatayo saka ako napatingin sa relos ko. Saktong magta-time na kaya pinampag ko na ang puwetan ko saka ako naglakad na paalis.

Nawala na sa paningin ko ang dalawa kaya hindi ko na pinagtuonan nang pansin dahil panigurado akong nagsasabong na naman ang dalawang manok.

Nakapamulsang naglalakad papunta sa classroom namin habang lahat nang mga zom-bees sa paligid ay pinagchichismisan na naman ako ngunit pinagsawalang bahala ko lang.

Bahala sila sa kakakuda basta wala akong ginagawang masama sa kanila.

Pagkarating ko sa loob ay wala pang masyadong tao kaya mas minabuti ko na lang na maupo at ituloy ulit ang pagkakatulog ko.

Wala pa rin ang dalawa kaya hinayaan ko na lang ulit at pumikit na.

"Gisingin mo kase."
"Ba't ako? Ikaw na ah."
"Ayoko, baka masapak ako na wala sa oras."
"Bakit? Gagawin nya na yan sayo?"
"Oo. Hindi mo pa kase alam kung anong ugali nyan pag ginising mo na himbing ang tulog."
"Naku, ayoko na nga. Nakakatakot naman eh."
"Tsk. Gisingin mo na lang, at least ikaw, malayong sasaktan ka nya."
"Eh ba't nga ba ako? Ikaw na lang ah. Natatakot ako eh."
"Sabing ikaw na eh."
"Ikaw na."
"Ikaw na."

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now