CHAPTER 13

65 11 0
                                    

MAYA's POV

Nakaramdam ako ng lamig kaya napamulat ako ng mata. Pagkamulat ko ay bahagya pa akong nagulat nang makitang hindi ko alam kung nasaan ako.

"Holly shit! Nasaan ako?" Bulong ko nang makita ang buong paligid.

Pilit kong binabangon ang katawan ko. Ang sakit sakit ng buong katawan ko kaya parang nahihirapan akong maupo.

Hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
Nagulat ako nang makita sya habang naglalakad ito papalapit sakin.

"H'wag mo nang piliting bumangon pa dahil makakasama sayo yan." Malamig nyang sambit nang makalapit na ito sakin.

May dala dala itong isang tray ng pagkain kaya napatingin ako roon.

"Eto, kumain ka muna."  Linapag na nya sa maliit na lamesang katabi ng kamang hinihigaan ko saka na sya tumalikod sakin.

Pero bago pa sya humakbang palabas ay agad ko na syang pinigilan.

"Teka!"  Malaki ang boses na pigil ko sa kanya.

"Namamaos ka na nga naninigaw ka pa." Saad nya nang makaharap ulit ito sakin.

"Hmm.. Itatanong ko lang kung bakit nandito ako." Walang emosyong sagot ko sa kanya.

Napangisi naman ito saka nya ako tinitigan ng malamig na tingin.

"Nasa gitna ka lang naman kase ng ulan habang natutulog at inaapoy ng lagnat." Nakangising sagot nya kaya bahagya pa akong nagulat. Kinapa ko pa ang dibdib ko dahil sa kaba.

"A-ano!?" Gulat na gulat na tanong ko kaya bigla akong napaupo.

"Ano ba!! Ba't ba ang kulit mo? Sabi ko na kaseng h'wag kang gumalaw dyan eh!" Sigaw nya sakin kaya natigil ako.

"B-bakit nga a-ako nandito??" Nauutal na tanong ko sa kanya at pilit na inaayos ang pagkakaupo ko.

"Tinulungan lang kita! Yun lang yun! Wag ka nang maraming tanong at kumain ka na." Seryosong usal nya kaya tumahimik na lang ako. Saka na sya tumalikod sakin pero di pa rin sya umaalis. "Magpagaling ka kaagad para makaalis ka na dito sa bahay."

Huling sambit nya bago nya lisanin ang kwarto. Napabuntong hininga na lang ako bago kinain ang bigay nyang pagkain ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang bigla na namang bumukas ang pinto.

"Hiiii Babygurl!!" Masayang bati sakin nang isang babaeng mukhang mama ni gansa base sa mga mukha nilang magkahawig.

Nangunot noo naman ako nang lapitan nya ako at naupo pa sa tabi ng kama ko.

"Kamusta na yang nararamdaman mo baby? Ok na ba? Hindi ka na ba linalagnat?" Nag-aalalang tanong nya sakin kaya natigil ako sa pagnguya ko.

Wth!? Baby? Saan naman nya nakuha ang pangalan na yun?

"Ow sorry. Nabigla ba kita??" Tanong naman nya na parang nagulat pa.

"Ako nga pala ang mommy ni Silver. Sabi nya kase kaklase ka daw nya." Nakangiting saad pa nya kaya ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya.

"Ikaw babygurl, anong buong pangalan mo?" Nakangiti ulit nyang tanong sakin.

Tumikhim naman ako kase ramdam ko ang pagkati ng lalamunan ko. Mukhang inuubo na rin yata ako.

"M-maya Shane Delos Reyes po ma'am." Pormal na sagot ko sa kanya. Sumimangot naman ito sakin na mukhang di nya nagustuhan ang sinabi ko.

"Bakit ma'am? Di naman ako ang teacher mo ah." Nakasimangot pa rin na sagot nya sakin kaya napabuntong hininga ako ng lihim.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now