CHAPTER 43

50 8 0
                                    

SILVER's POV

Kanina pa ako balisa habang nasa loob na ako ng classroom namin dahil sa sinabi kanina ni Ibon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman na buhay nga si Khiel pero nakakasiguro akong may hindi nga ako nalalaman tungkol sa kaniya. Na dapat ngayon pa lang ay alam ko na.

"Si Khiel. Buhay siya hindi ba?"

"Si Khiel. Buhay siya hindi ba?"

"Si Khiel. Buhay siya hindi ba?"

Nagpaulit-ulit lang sa tenga ko ang tanong niyang yun ni Ibon sakin na parang alam na alam na talaga niya.

Naguguluhan na ako sa nangyayari. Nakapagtataka lang talagang nabuhay si Khiel matapos siyang mapuruhan ng ganun kalala. At hindi ko rin inaasahan na malalaman agad ni Ibon ang pagkabuhay ni Khiel. Mas lalo akong nawiwirduhan sa mukhang lalake na yun. Tsk.

"Mr. Villanueva!" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ko ang apilido ko na binigkas mula sa instructor namin ngayon.

"Are you with me?" Masungit na aniya.

Napatingin naman ako sa mga kaklase kong mukha nang mga ulol dahil sa mga tingin nila sakin.

"N-nothing, sir."

"Punyeta! Anong nothing sir? Gusto mo bang i-nothing kita diyan?"

Umugong naman ang tawanan ng mga kaklase ko dahil sa naisagot ko. Ewan ko rin kung saan ko yun nakuha pero pakiramdam ko ay wala nga ako sa sarili. Naiinis ako sa mga pinag-iisip ko. Nakakahiya na rin ako. Pero hindi dapat ako magpaapekto sa kanila dahil ako ang hari dito.

"Ano bang tinatawa-tawa niyo!?" Inis na singhal ko sa mga kaklase kong nakatingin sakin.

"Don't shout, Mr. Villanueva! Ano ka ba sa akala mo?" Sigaw din sakin nung instructor namin ngayon.

Wala man lang akong maisip na ibang iaalibay. Pero ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito kaya may karapatan akong sumigaw.

"I'm the son of this school, kaya may karapatan akong sumigaw hangga't gusto ko." Maawtoridad na sagot ko kaya natahimik ang lahat.

Nag-aalab ang paningin ko at gusto ko silang sigawan lahat.

"I know. Pero wala kang karapatan para sagutin ako ng ganyan. Dahil ako ang professor niyo." Hindi nagpapatalong sagot naman niya.

Napailing naman ako sa sinabi niyang yun saka ko siya nginisihan.

"Wala akong pakealam." Tanging naisagot ko saka na ako lumabas pa.

Binalibag ko pa ang pagsasara sa pintuan at naiinis na tumungo sa hagadanan papunta sa roof top.

"Napakawalang kwentang buhay!" Napapasigaw na lang ako habang nakatingin sa kalawakan.

Gusto kong ipag-uuntog silang lahat dahil sa mga pagmumukha nilang ewan.

"Brant Silver Villanueva?"

Napatingin ako sa tumawag sakin mula sa likuran ko. Isang babaeng balingkinitan at parang isang anghel sa kagandahan. Pero bakit niya ako kilala? Eh hindi ko naman siya kilala.

"I'm Kevin Ashley Conrad." Nakangiting pagpapakilala niya sakin.

Bahagya niya pa akong nilapitan saka niya inilahad ang kamay sakin. Napakunot noo naman ako habang nakatitig lang sa kaniya.

"Ow, I'm so sorry if nabigla kita. Magkakilala ang mga grandparents natin. They are business partners.. And they always telling me that you are they grandson. They showed me also your picture so I remember you." Parang natutuwang saad pa niya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now