CHAPTER 76

46 5 0
                                    

AUTHOR'S POV

"Have a sit." Utos ni Ricca pagkarating nila sa may bench ng garden mula sa labas ng studio.

"Be straight forward." Blanko ang mga matang usal ni Maya sa kasama.

Ngumisi si Ricca sa kaniya na para bang nababasa niya ang nasa utak ni Maya.

"Nagmamadali ka ba?" Mahinahon na tanong nito.

Hindi sumagot si Maya at nanatili lamang siyang nakatayo sa harapan ng kasama.

"Okay fine. I just want to tell you what happened that night." Mukhang nakuha agad ni Maya ang ibig sabihin ni Ricca.

"Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin. Satingin mo ba ay paniniwalaan kita?"

Bumuntong hininga si Ricca.

"I don't know. And it's up to you. But you need to listen carefully. Isang beses ko lang ito sasabihin at hindi ko na uulitin pa. I just want to clear everything." Sinserong aniya.

Walang atubiling umupo si Maya sa tabi ni Ricca at hinintay ang paliwanag niya.

"That night.." huminga muna siya ng malalim at lalong sumeryoso ang mukha nito. "Mac Dave and I were argued. I saw him with another woman that night. I couldn't imagined that he did that to me." Nangilid ang luha nito kaya agad niyang pinunasan gamit ang mga kamay.

"But I know Mac Dave will never do that." Mahinahon lang din na sambit ni Maya sa kaniya.

"Yeah, I know. But I couldn’t help but doubt. He wants to explain but I refused. I got mad at him so I tried Silver to call those hours. And that was the chance that I couldn't think straight anymore. When Silver told me where he was, I immediately went there."

Hinawakan ni Maya ang kamay ni Ricca nang mapansing naiiyak na naman ito.

"Anong ginawa niyo nang mga oras na iyon?" Mahinahon pa rin namang tanong ni Maya sa kaniya kahit ramdam na niya ang kaba.

Umiling-iling si Ricca ng ilang ulit habang umiiyak ito.

"I tried to take advantage of him. But... B-but..."

"But what?"

"But I can't. And at those times, he only mentioned your name. Maya, Silver loves you so much. And I'm r-really sorry.. Don't worry, when I was able to think properly I left immediately."

Napabuntong hininga si Maya nang malaman ang buong katotohanan. Naging panatag ang loob niya nang marinig iyon mula kay Ricca mismo.

Pagkatapos nilang mag-usap ay bumalik na ulit sila sa loob ng studio. Lahat ay napatingin muli sa kanilang dalawa. Ngumiti si Ricca sa kanila ngunit kita sa kaniyang mga mata ang hiya.

Tinapos nila agad ang photo shoot pagkabalik ni Maya sa loob. Malayo pa rin ang loob ng magkakaibigan kay Ricca. Wala pa silang alam tungkol sa napag-usapan nila ni Maya kaya gano'n na lamang ang inis nila sa kaniya.

Hanggang sa umalis sila ng studio ay hindi pa rin umiimik ang magkakaibigan habang nandoon sina Mac Dave at Ricca.

Nasa restaurant sila na pag-aari ni Monicqe. Si Monicqe din ang magcacater sa kasal nina Maya at Silver.

"Maya, ano bang pinag-usapan niyo kanina ni Ricca sa labas?" Prangkang tanong ni Freya habang hinihintay nila ang order nila.

Tahimik lang sila, pinipigilan siya ni Lui sa tanong niya dahil nandoon ang magnobyo at magnobya sa table nila mismo.

COLD INTO HOT Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum