CHAPTER 5

96 10 0
                                    

MAYA's POV

Kainis yung Gascon na yun. Sigawan ba naman ako at ipahiya sa klase nya? Psssh! Hindi mo ako matatakot! Ako parin ang masusunod sa sarili kong batas! Batas na hindi ako ang dapat tinatakot, dahil mas matakot sila sakin.

At yung Silver swan na yun? Bagay lang sa kanyang tawagin syang gansa. Para syang soy sauce na Silver swan. Akala mo kung sinong hangal na tadyakan ang paa ng upuan ko? Tss. Ako talaga ang kinakalaban nya ah. Makikita natin. Humanda ka sa kamandag ko gansa ka!

"Maya, ang ginawa mo ay kahihiyan ko na rin! Ba't ba lagi ka na lang nagkakaganyan, ha??" Sigaw sakin ni Freya habang nasa lilim kami ng punonh mangga dito sa may field. Tambayan na namin to simula pa lang ng pasok namin dito.

"Can you please shut up!" Sigaw ko sa kanya pero hindi ko sya sinulyapan dahil busy ako sa pagbabasa ng libro ko.

"Arrrghh!" Napapasabunot na lang sya sa sarili nyang buhok.

Bigla naman nyang inagaw sakin ang libro ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Itigil mo na ang pagiging sarkastiko mo palagi. Yang mga kilos mong hindi kagalang-galang. Pati na rin yang mga tingin mong palaging walang pakealam!! Pagod na ako kakaintindi sayo, Maya!" Sigaw nya pa sakin na ikinatigil ko at tinitigan sya ng malamig. Wala naman kase akong pakealam kung ano man ang sabihin nila sakin. Ganito ako pinanganak at hindi nila mababago yun.

Aaminin kong wala akong respeto minsan. Pero di yun ang basehan nila para ipahiya ako at sigawan sa kahit saang lugar. Rerespetohin ko sila hangga't gusto ko.

"Hindi kita pinilit na sumama sakin, Freya. Kaya kung gusto mong h'wag mapahiya, ikaw ang kusang umalis." Walang gana kong sagot sa kanya saka ako tumayo at naglakad na paalis.

Tinawag pa nya ako pero di ko na sya pinansin pa. Dere-deretsu lang akong naglalakad hanggang sa may pumatid sakin kaya muntik na akong madapa. Buti na lang at hindi ako tanga.

"Ang tigas talaga ng mukha mo noh?" Usal nya nang pumaharap ako sa pumatid sakin.

Inayos ko naman ang damit ko saka ko sya tinitigan na walang lumalabas na kahit anong emosyon sa mukha.

"Silver, tayo na.." Tiningnan ko ang nagsalita sa tabi ni hangal na gansa. Tss. Si Lui pala, ang kaibigan nya.

"H'wag ka ulit mangengealam, Lui.. Ibigay mo na sakin to ngayon dahil di pa ako tapos sa babaeng toh." Turo naman sakin ni gansa kaya tiningnan ko ulit sya.

Nakatayo lang si Gerone sa kabilang-tabi ni gansa habang nakangiti na parang nasisiyahan sya sa pinapanood nya.

"Ikaw na nagsabi, babae sya kaya dapat di mo na sya pinapatulan pa." Sagot naman ni Lui pero sinenyasan lang sya ni gansa na tumigil sa pagsasalita.

"Delos Reyes, right?" Nakangising tanong nya sakin kaya inismiran ko sya. "May nakapagsabi saking matalino ka daw pero wala kang respeto." Parang nang-iinsultong dagdag pa nya. Sinagot ko lang sya ng malamig na tingin. "Hindi ka ba marunong magsalita ha?! Parang kanina lang sinagot-sagot mo si sir Gascon ah!" Sigaw na nya sakin na ikinatawa ng mahina ni Gerone. Inaawat pa rin sya ni Lui pero hindi ito pinapansin ni gansa.

"Pakealam mo?" Walang ganang sagot ko sa kanya na mas lalong ikinaseryoso nya at mas lumapit pa sakin.

Hindi ako gumalaw at tinitigan ko lang sya. Ilang inch na lang ang pagitan namin at isang tulak mo lang ay mahahalikan na nya ako. Pero di ko hahayaang gawin nya yun sakin dahil tatanggalin ko muna ang kaisa-isa nyang alaga.

"Babae ka ba talaga o lalake??" Tanong nya sakin na tiningnan pa ako ng pataas hanggang baba. "Kase mukha kang babae pero kung makakilos ka ay lalake. Pati pananamit mo, parang mas lalake ka pa sa lalake." Nakangising saad nito. Hindi ko sya sinagot at tinitigan ko lang sya.

COLD INTO HOT Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora