CHAPTER 15

62 9 0
                                    

SILVER's POV

"Aalis na ba sya?"  Nagtatakang tanong ni kuya Bryan habang nandito pa kami sa kusina na nag-aalmusal.

Bigla namang tumayo si mommy na parang nag-aalala.

"Where are you going mom?"  Tanong ni kuya sa kanya kaya napatigil sya.

"I'm worrying about her. Baka wala syang mapuntahan." Nag-aalalang sagot nya saka na sya lumabas ng kusina.

Napailing na lang ako saka ko pinagpatuloy ang pagkain ko. Naramdaman ko namang napatingin sakin si daddy.

"Hindi mo man lang ba pipigilan ang kaklase mo?" Seryosong tanong nya sakin. Pero sinawalang bahala ko lang.

Bahala sya sa buhay nya. Gusto nyang umalis, ehdi umalis sya.

"Ako na lang po dad." Nakangising sabat naman ni kuya kaya tumayo na sya saka na nya iniwan ang pagkain nya. Napapailing naman si daddy habang nakatingin pa rin sakin.

"Wala ka bang balak tumayo dyan??" Tanong pa nya kaya wala na akong nagawa kaya tumayo na lang ako.

Pabagsak kong linapag sa plato ko ang kutsara't tinidor na ginamit ko. Saka na ako padabog na umakyat sa taas.

"Aalis na nga pipigilan pa." Mahinang bulong ko habang papaakyat na ako sa hagdan.

"Shiney, please... Kahit isang araw ka na lang dito tapos hahanapan ka namin ng tutuluyan mo.." Rinig kong sigaw ni mommy sa taas kaya minadali ko nang umakyat.

"Maya pakinggan mo naman si mommy.." Sigaw din ni kuya sa kanya kaya mas binilisan ko pang umakyat. Nakakainis na talaga!

Pagkaakyat ko sa may labas ng kwarto ni ibon ay agad na bumungad sakin ang nakaluhod na si mommy sa harapan ni ibon na parang wala lang sa kanya. Nakatayo naman si kuya sa tabi ni mommy.

"Tsk. Mommy ko na nga nakikiusap, nagmamatigas pa."  Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan silang tatlo.

"Please Shiney, wag ka na lang umalis.. Kung gusto mo dito ka na lang tumira."

"Like what the F—Mom, wag nyo nga syang pakiusapan ng ganyan!" Sigaw ko kay mommy habang papalapit na ako sa kanila. Napatingin naman sakin si ibon na nanlalamig ang mga mata.

"Brant Silver!" Napatingin ako kay daddy nang bigla na lang syang sumulpot sa kung saan. "Talaga bang di mo na nirerespeto ang bisita natin??" Sigaw pa nya sakin habang papalapit ito kay mommy. Pinatayo nya ito saka nya tiningnan si ibon.

"Hija, dumito ka muna pansamantala. Kami nang bahala humanap ng matutuluyan mo sa susunod." Malumanay naman na kausap ni daddy kay ibon pero umiling lang ito saka na nya hinawakan ulit ang maleta nya.

"Wala akong balak na dito tumira." Walang emosyon nyang sagot saka na sya nagsimulang maglakad.

"Maya.." Tawag naman sa kanya ni kuya kaya natigil sya sa paglalakad. Pero di na sya humarap pa samin.

"Kahit ngayon lang. Hindi ka namin hahayaan na paalisin na lang dito basta-basta." Usal naman ni kuya saka naman ako napapailing dahil sa pamimilit nila sa kanya.

Ako ang nagpauwi sa kanya dito. Ako ang nakakakilala sa kanya. Ako ang may karapatan sabihan sya kung dito muna sya o aalis na. Dahil ako ang tumulong sa kanya. At ang masasabi ko?—Makakaalis na sya. Di na namin sya kailangan pa dito dahil magaling na sya.

Wala na kaming responsibilidad pa sa kanya.

"H'wag nyo na syang pilitin. Ayaw nya na ngang magpapigil eh." Sabat ko naman kaya napatingin silang lahat sakin saka nila ako tinitigan ng masama. Naglakad na ulit si ibon kaya wala na silang nagawa pa para pigilan sya.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now