CHAPTER 55

51 8 0
                                    

SILVER's POV

Maggagabi na at hindi pa din ako mapakali. Nasa bahay na ako ngayon at nasa kwarto ako. Pabalik-balik sa paglalakad habang sinasabunutan ang sarili dahil sa mga pinaggagawa ko kanina sa paaralan namin at sa mga pinagsasabi ko kay Ibon. Parang ibang Silver ang nakapasok sa katawan ko kanina at kung ano-ano na lang ang mga naiisip kong kalokohan.

Pati ang pag-amin kay Ibon ng ganun-ganun lang ay hindi ko alam kung paano ko nasabi yun sa kaniya. Basta ang alam ko lang ay occupied ang utak ko. Wala akong alam. Wala akong dahilan.

"Silver, anak, labas ka na diyan at nandito na ang mga bisita natin." Tawag sakin ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Oo nga pala, ngayon pala darating sina Zu Fu. Mukhang nandito rin sina lolo. Pati na rin sina Gerone, Lui, at ate Megan na pinsan ni Lui.

"Susunod na po ako, mom." Sigaw ko naman pabalik sa kaniya.

Inayos ko pa muna ang sarili ko saka ako lumabas ng kwarto ko.

"Nasan na ang anak mo, Brenda?" Rinig kong tanong ni lolo pagkarating ni mommy sa kusina. Kasunod niya lang ako kaya naririnig ko sila.

"Palabas na po siya ng kwarto niya, dad." Sagot naman ni mommy sa kaniya.

Sakto naman na nakarating na ako dito sa dining area at nandito na rin lahat ng mga kaibigan ko at ang buong pamilya ko. Kabilang na si ate Summer na girl friend ni kuya. Nagbow ako bilang paggalang sa harapan nina Senior at lolo.

[A/N; Si Senior ay greatest lolo ni Silver na papa ng kaniyang lolo.]

"Oh buti naman at dumating ka na." Bungad ni Senior saka naman ako ngumiti ng tipid sa kanila.

Tulad ni Zu fu ay nakakatakot din siya. Napakaseryoso at hindi mabiro. Tuwing nagsasalita siya ay nakakatakot. Talagang kakaiba ang daddy ng lolo ko. Hindi siya basta-basta.

"Opo, Senior." Sagot ko naman sa kaniya.

Tumabi ako kay mommy at kaharap ko lang sina Lui, Gerone, at si ate Megan. Tumango sila sakin habang nakangiti. Wala kaming imikan dahil sa kakaibang environment ngayon sa pagitan naming lahat.

"Kamusta naman ang pag-aaral niyo?" Biglang tanong ni Senior kaya napatingin kaming lahat sa kaniya sa may pinakadulo ng lamesa.

Sa amin siya nakatingin. Inisa-isa pa kami nina Lui, Gerone, Ate Megan at sina Kuya. Kakaiba talaga kapag siya na ang nagsalita.

"Ok naman po, Senior." Sagot ni Lui.

Siya lang talaga ang may kayang sumagot ng mas better kay Senior.

"Eh ikaw naman, Brant Silver?" Biglang baling niya sakin.

Hindi agad ako nakapagsalita at hinahalukay ko palang kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para sagutin siya.

Humalakhak siya ng mahina kaya napatingin ako sa kaniya. Halos basa na rin ang palad ko dahil sa kaba.

"Huwag mong sabihing sa simpleng tanong ko lang ay kinakabahan ka na?" Nakangising tanong niya sakin.

Ngumiti ako ng awkward saka ako mahinang napatawa. Nakakahiya man pero natatakot talaga ako kay Senior.

"H-hindi naman po, Senior.. Ahm—ano po kase, ah—ok lang naman po ang pag-aaral ko. Don't worry about that." Utal-utal na sagot ko sa kaniya.

As in na kinakabahan na talaga ako sa kaniya pero hindi ako pwedeng mapahiya. Lalo na kapag dumating na ang pinakamahalagang bisita namin.

"Ok. Then, don't so nervous, Brant Silver." May pagkasarkastikong sagot din niya pabalik sakin.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon