CHAPTER 66

43 4 0
                                    

SILVER's POV

Day 5, limang araw na ang nakalipas mula nang mawala na si Ibon sa tabi ko. Nakakulong lamang ako dito sa kwarto kahit na lagi akong kinakatok nina mommy. Alam kong nag-aalala na sila sakin ngunit mas mabuting magkulong na lang ako rito.

Hindi ako makakain, makatulog, makaligo ng maayos dahil sa kakaisip sa Ibon na 'yon.

"Brant Silver!" Kumakatok na naman si mommy sa may labas. Tiyak kong alalang-alala na siya sakin.

Pero imbis na pagbuksan siya ay kinuha ko na lang ang cellphone ko saka ni-dial ang numero ni Ibon. Ilang araw ko na siyang tinatawagan ngunit walang sumasagot.

"Day 5... Ibon, kung nasaan ka man ngayon, sana nakakakain ka ng maayos. Sana rin ay nakakatulog ka ng maayos. Huwag kang magpapaulan diyan. Mahal na mahal kita. Hihintayin kita at pakikinggan ang lahat ng sasabihin mong rason sakin. Hindi ako magsasawang hintayin ka."

Ikalimang-araw na akong nagpapadala sa kaniya ng voice message para malaman niyang hindi ko siya nakakalimutan. Kahit pa iniwan niya ako na wala man lang alam kung saan siya nagpunta. O kahit na nagpaalam man lang siya sakin para aware ako.

"BRANT SILVER VILLANUEVA!!!" Malakas ang pagkakasigaw ni lolo ng buong pangalan ko mula sa labas ng kwarto ko kaya hindi na nakapagtatakang galit na siya sakin.

Ni hindi nga ako pumapasok eh. Syempre magagalit talaga siya. Pero wala ako sa mood ngayon. Hindi ko sila kayang harapin na naghihirap.

"Silver, please, open the door. Don't starve yourself, baby. You ruining your life!!" Rinig ko ring sigaw ni mommy na ngayong alam kong umiiyak na naman.

"Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka!! Humanda ka sakin pagkalabas mo!" Sigaw din ni daddy.

Pare-parehas lang naman lahat ng sinasabi nila. Ano namang alam nila sa nararamdaman ko ngayon? Tsk.

Day 10, ika-sampung araw na akong nakakulong dito sa kwarto ko at ika-sampo na rin na wala pa rin si Ibon.

"Day 10.. Ibon, gusto mo na talaga akong mamatay? Gusto mo na ba akong mawala? Ha!? Sabihin mo sakin para malaman ko kung dapat pa ba kitang hintayin o mamamatay na lang ako. Ika-sampung araw na akong naghihintay. Ginugutom ko ang sarili ko para lang mag-alala ka sakin kahit na sa panaginip man lang. Pero huwag kang mag-alala, hangga't kaya ko pa, hindi ako mamamatay. Hihintayin kita, Ibon. Ipangako mo saking magkikita pa tayo. I love you."

Sa mga araw na nagdaan, dinadalhan na ako ni mommy ng iba't ibang klase ng prutas dito sa kwarto ko. Sinasabihan niya ako minsan pero hindi ko na lang pinapakinggan.

Pinagalitan na rin ako ni lolo. Gusto rin akong suntukin ni daddy. Pero alam kong pinipigilan nilang lahat ang magalit sakin dahil alam nila ang pinagdadaanan ko.

"Baby, you're getting thin." Naiiyak na namang kausap ni mommy sakin pagkapasok nuya dito sa kwarto ko.

May dala siyang isang tray ng prutas saka niya inilapag sa lamesa. Hindi na kase ako makakain ng kanin kaya na naman niya ako pinagsasabihan.

Napabuntong hininga ako saka nahiga. "And it getting worst mom." Malungkot kong sagot without looking on her eyes.

"Brant.." nagsusumamong tawag niya sakin saka siya naupo sa gilid ng kama ko. "I want to ask you something important."

Napatingin agad ako sa kaniya. Nakita ko ang awa sa mga mata ni mommy. I know, naaawa na talaga siya sakin. Pero wala silang magagawa, hangga't hindi ko nakikita si Ibon, hindi ako magiging okay.

"Hmm?" Wala sa mood na utas ko. Hinawakan niya ang kamay ko saka siya naluha. Hindi ko kayang makita si mommy na umiiyak dahil sakin. Pero hindi ko na siya pwedeng pigilan pa. Kusa na niya yang nararamdaman ngayon nang dahil sa katigasan ng ulo ko.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now