CHAPTER 29

89 10 1
                                    

MAYA's POV

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko hanggang sa makarating ako rito sa sinasabi ni Monicqe na Resto Bar ng parents nya.

Labas palang ay maganda na. Napapahanga  na lang ako habang pinagmamasdan ang labas ng Resto Bar.

Habang pinagmamasdan ko ito dito sa may labas ay biglang lumapit sakin ang guard kaya napatingin ako sa kanya.

"Ma'am, may kailangan po ba kayo?" Magalang nyang tanong kaya agad akong bumaba sa motor ko saka ko kinuha sa loob ang isang folder na may lamang resumé ko.

"Mag-aapply po sana ako dito." Magalang din na sagot ko saka ko bahagyang pinakita sa kanya ang hawak kong folder. Tumango naman sya saka nya tinuro sakin ang loob ng Resto.

"Samahan na po kita papasok, ma'am." Suhestyon pa nya kaya hindi na lang ako tumutol pa. "Pasok lang po kayo dyan tapos liko lang po kayo sandali tapos makikita nyo na po yung opisina ni Mrs. Ragaza. Sya po ang may-ari ng Resto Bar na'to. Wala po kase ang assistant nya ngayon kaya sya po muna ang nandyan." Tinuro turo pa nya ang loob ng isang area kung saan makikita ang isang naihiwalay na opisina at ineexplain kung saan ako papasok. Tumango-tango lang ako at agad na nagthank you sa kanya.

Pagkarating ko sa sinabing opisina ay bumuntong hininga pa muna ako saka ako kumatok ng dalawang beses.

Ilang segundo lang ay bumukas na ito. Isang magandang babaeng mukhang bata pa pero parang may anak na. Siguro ito na yung mommy ni Monicqe.

"Yes? How may I help you, Ms.?" Nakangiting tanong nya sakin habang nasa loob sya ng opisina nya at nasa labas naman ako. Maliit lang ang pagkakabukas ng pinto nya kaya di ko kita ang nasa loob.

"Mag-aapply po sana ako ng trabaho, ma'am." Magalang at malumanay na sagot ko sa kanya kaya mas linawakan na nya ang pagkakabukas ng pinto saka nya ako ginayak sa loob.

"Pasok ka muna, ija." Sagot naman nya saka sya naupo sa upuan nya. Tumayo pa muna ako sa harapan niya na may napapagitnaan kaming lamesa nya. "Maupo ka." Utos pa nya sakin na agad ko namang sinunod. "Are you a student?" Malumanay na tanong nya sakin habang nakatingin sakin.

"Opo." Walang reaksyon na sagot ko sa kanya.

"Hmm... How old are you?"

"17, ma'am."

"Wow. So your in 4th year high school now?" Napatango naman ako sa tanong nya. "Kaedaran mo pala ang anak kong babae."

'Oo at kaklase ko pa sya. Sya pa nga ang nagsabi sakin dito eh. Tss.'

"Opo." Tanging naisagot ko na lang. Ngumiti pa muna sya bago ulit magsalita.

"Ow, by the way, may dala ka bang resumé mo?" Binigay ko naman agad ang folder na dala dala ko kanina pa. Binuksan nya agad ito pagkakuha nya saka nya tiningnan ang linalaman nun. "Hmmm.. You are Delos reyes?" Tanong nya nang mabasa ang resumé ko at bahagya pa akong sinilip saka nya ulit binalik ang tingin nya sa folder.

"Yes po, ma'am."

"So you are related with Mr. Mio Delos reyes?" Hindi na ako nagulat nang banggitin nya ang pangalan ni tanda. Ang lolo ko. Alam kong kilala nya ito dahil lolo ko ang principal sa eskwelahang pinag-aaralan ng anak nya.

"Yes po, ma'am." Wala akong ibang isinagot sa bawat tanong nya dahil yun lang naman ang alam kong isagot sa kanya.

"Kaanu-ano mo sya, ija?"

"His my grandfather."

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now