CHAPTER 64

49 7 1
                                    

MAYA's POV

Dalawang araw akong hindi pumasok sa school dahil inaasikaso na namin ang pag-alis ko ng bansa. Pagkalabas ko kase ng ospital ay 'yon na ang bukambibig ni Mac Dave sakin. Minsan ay tinatawagan niya ako para paalalahanan na kinukulit na siya ni Zu Fu nang dahil sakin.

Sa dalawang araw din na iyon ay prinoproblema ko si Gansa. Dahil walang araw at gabi siyang hindi tumatawag sakin para tanungin ng tanungin about sa pagpasok ko. Buti at hindi siya pumupunta dito sa apartment ko. Dahil baka malaman pa niyang malapit na nga akong umalis ng Pilipinas.

"Hindi pa daw ako pwedeng pumasok."

Kinukulit na naman ako ni Gansa, tumawag na naman siya.

"Eh kailan ka papasok? Ibon naman eh! Miss na miss na kita tapos hindi ka pa papasok? Papatayin mo na ba ako, ha??"

Kahit kailan talaga para siyang bata.

"Hindi ka mamamatay.. Mamamatay muna ako bago ka mamatay."

"Aba, ang sweet mo naman. Pero hindi mo ako makukuha sa paganyan-ganyan mo, Ibon. Dahil kapag bukas wala ka pa dito sa school, susugurin na kita diyan sa apartment niyo."

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang kakulitan niya.

"Okay na ba lahat?"

Tumawag si Dave matapos ng ilang minuto nang matapos kaming magkausap din ni Gansa sa cellphone.

"Oo. Kailan ako aalis?" Walang emosyong tanong ko sa kaniya.

Ilang segundo siyang natahimik na parang pinag-iisipan pang mabuti ang isasagot.

"Sabi ni mom, kailangan mo pa daw um-attend sa party ni Villanueva."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi ko nagets.

"Kaninong party, at sinong Villanueva ang tinutukoy mo?" Walang ka-ide-ideyang tanong ko sa kaniya.

"Huwag mong sabihing hindi mo alam na birthday na ni Brant Silver sa susunod na linggo?"

Para akong yelo na tinunaw dahil sa narinig ko. Hindi ko alam na birthday na pala ni Gansa next week. Wala siyang sinasabi sakin.

Kaya ba kinukulit niya ako?

"Oh, natahimik ka? Tama ako noh? Na hindi mo alam na birthday ni Silver next week."

Bwisit! Ang dami ko na ngang problema, dumagdag pa ito. Paano na 'to?

"K bye!"

Binabaan ko na siya at baka mamaya ay mas asarin niya lang ako.

Kinabukasan ay naghanda na ako para makapasok na rin sa school at baka totohanin nga ni Gansa ang pagpunta dito sa apartment.

Maaga akong nag-ayos para na rin maaga akong makarating sa campus. Naabutan ko pa si Aspen na nakatayo sa may malaking salamin dito sa sala na mukhang may malalim na iniisip. Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at dumiretso na ako sa labas.

Hindi na ako nag-almusal pa para sa canteen na lang ako kakain. Maaga pa naman.

"Huy Gansa." Tawag ko kay Gansa nang makarating na ako dito sa parking lot.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now