CHAPTER 3

112 12 0
                                    

MAYA's POV

Katatapos lang ang buong araw na klase namin kaya papalabas na kami ni Freya ng campus nang biglang may bumato sakin nang isang pirasong nilokot na papel mula sa likuran ko.

Napaharap naman ako sa bumato at para akong isang demonyong tinubuan ng dalawang maliliit na sungay nang makita ang bumato.

"Maya, h'wag kang magkakamaling makipag-away na naman." Bulong sakin at banta ni Freya.

Sumulyap lang ako sa kanya saka na ako tumalikod ulit. Pero di pa ako tuluyang nakakatalikod ay binato na naman nya ako ng isang nilokot na papel.

"Magtiis ka, Maya. Pakiusap." Bulong na naman ni Freya kaya napapikit na ako ng mariin dahil di na ako makapagtimpi, pero nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad.

At alam kong sumusunod sya samin at may kasama pa syang dalawang lalake sa likuran nya.

Mga ilang segundo lang ay binato na naman nya ako at mas malakas na. Tumingin na naman sakin si Freya at masama nya akong tinitigan.

"H'wag na h'wag kang haharap." Bulong ulit nya.

Pero di ko na talaga kaya.. Gusto ko na syang suntukin.

"Maya!!" Sigaw ni Freya nang humarap na ako sa kanila.

Sa isa na namang pagkakataon ay nagbulungan na naman ang mga kapwa estudyante namin.

"Ano, lalaban ka?" Nakangising tanong ni hangal sakin kaya tinitigan ko lang sya gamit ang malalamig kong mga mata.

"Silver, h'wag mo nang patulan. Babae yan." Rinig kong sambit nung isang lalake na nasa likuran nya pero di nya ito pinansin.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo kaya ako pinagtritripan mo?" Walang emosyong tanong ko sa kanya.

Lumapit naman ito sakin saka nya ako tinitigan ng masama.

"Hinihintay ko lang namang aminin mo sakin na ikaw ang may gawa sa papel na nakadikit sakin sa likuran ko kanina." Nagtitimping galit na sagot nya sakin.

Lumapit naman ang dalawang lalake sa likuran nya at hinawakan ang kanyang magkabilang braso nya saka nila ito hinila.

"Tara na, Silver.. Hayaan mo na sya." Saad nung lalakeng kumausap kanina sa kanya habang hinihila sya.

Hanggang sa mabilis nyang tinanggal ang mga kamay nung dalawa at lumapit na naman sakin.

"Wala akong pakealam kung babae ka man o lalake.. Kase ang tingin ko sayo? Mukhang lalake. At mas lalake pa sa lalake." Sarkastikong usal nya pero di ko lang yun ininda at mas linamigan ko pa ang tingin ko sa kanya.

"Ano ba, Silver! Tara na." Lumapit na naman sa kanya nung lalakeng kasama nya pero iniwas nya ang braso nya sa kanila para di nila ulit ito mahawakan.

"Pwede ba, Lui Ren Jacinto, h'wag kang mangealam sa gagawin ko ngayon??" Iritang sigaw ni Hangal sa lalakeng kanina pa pumipigil sa kanya.

Napabuntong hininga naman ang lalake na buong pangalan pa ang tinawag sa kanya ni Hangal.

"Tss." Singhal ko habang nakikipaglaban sa kanya sa titigan.

"Maya, uwi na tayo." May pag-aalalang bulong na naman sakin ni Freya ngunit di ko lang pinansin.

"Brant Silver Villanueva!" May baritonong boses ang biglang nakaagaw pansin samin ni Hangal nang may buong pangalan na naman ang tinawag.

"D-dad." Mahinang sambit ni hangal sa lalakeng mukhang 40 year old pa lang.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now