CHAPTER 45

51 6 0
                                    

[Author; NASA MULTI MEDIA YUNG PILIPINO VERSION NI MAYA, a.k.a IBON.]

SILVER's POV

Nasa FR/ Function Room kami ngayon, kasama sina Lui at Gerone, pati na rin ang mga faculty members at iba pang mga mahahalagang tao dito sa school. Dahil ngayon na darating ang mga taong may pinakamataas na rangko dito sa school namin.

"Lahat ay magsihanda na para sa pagdating ng mga pinakamataas at pinaka-importanteng tao dito sa paaralang ito." Paalala samin ni Principal habang nakatingin siya sa aming lahat mula dito sa harapan niya.

Nakatayo ito sa flat form habang may hawak na folder. Nakaupo naman kami habang nakikinig sa mga bilin niya. Satingin ko ay napakataas ng rangko ng mga bisita namin at ganun na lang ang kabang naidudulot nila sa principal namin.

Sabi ni Lui ay never pa namin silang na-meet pero mataas na daw ang tingin ng lahat sa kanila kahit na hindi pa sila nagpapakita dito sa paaralan mismo.

"Pony, tawagin na lahat ng mga estudyate sa gymnasium. Sabihin mo sa kanilang pila-pila ang pagpunta roon para mas maayos." Tawag ni Principal sa assistant nito.

Agad naman na sumunod si Pony sa sinabi niya.

"Yes po, sir." Sagot agad niya bago tuluyan lumabas.

Bumaling ulit samin si Principal.

"Lahat ng mga faculty members ay doon mismo sa pinakaharap pumwesto para kita kayo. At sa inyo namang mga anak ng stock holders, kahit saan ay pwede kayong pumwesto, pero huwag sana kayong mawawala sa gym mamaya." Paalala pa niya samin.

Tumango naman agad kami sa kaniya.

Ilang minuto lang ay nagsitungo na kami sa gym. Hinahanap ko naman si Ibon gamit ang mga mata ko habang naglalakad na kami papasok sa gym. Hindi ko siya makita dito sa may likuran. Wala ang mga kaibigan niya. Hanggang sa mahagip ko si Ricca kasama si Briz. At sa kamalas-malasan naman ay doon patungo sina Lui at Gerone. Kaya wala akong magawa kundi ang sumunod na lang sa kanila. Hihiwalay sana ako ng makita ko na si Ibon sa pwepwestuhan nila ng mga kaibigan niya.

Nasa pinaka-ikatlong line sa harapan at napapagitnaan na naman siya. Likuran pa lang ay kilala ko. Natatawa tuloy ako dahil sa ginawa ko kanina sa kaniya. Ang cute ng mukha niya habang naliligo siya sa malamig na tubig na nagmumula sa water gun. Hahahaha. Kahit asar na asar ako sa kaniya ay natatawa pa rin ako.

"Huy Silver, ok ka lang ba? Ba't nakangiti ka diyan?" Mahinang kausap sakin ni Gerone. Nasa gilid ako at katabi ko siya kaya siya lang ang makakapansin ang pagngiti ko.

Hindi ko nga namalayan na nakangiti na pala ako. Haaaysst.

"Wala." Pangiti-ngiting sagot ko naman sa kaniya.

Napapailing naman ito habang tinitingnan ang tinitingnan ko.

"Aahh.. Kaya pala, si Ibon pala.. Tsk. May pangiti-ngiti ka na rin ngayong nalalaman ha. Parang dati lang, inis na inis ka sa pagmumukha niya." Nang-aasar na saad naman nito.

Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil ramdam ko ang pagtitig ng isang tao sakin. Kaya napatingin ako sa paligid. Hanggang sa matigil ako sa katabing upuan ni Lui. At hindi nga ako nagkakamali. Si Ricca nga. Para siyang nagpapaawa sakin at parang gusto niyang mag-sorry. Pero satingin ko ay hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon. Tsaka na lang siguro kung alam ko na talagang niloloko lang niya ako.

Sa lahat ng taong naging parte at importante sa buhay ko ay siya palang ang nanloko sakin ng ganto.

"Ehem!"

Natigil ang pagtitigan namin ni Ricca ng may tumikhim sa may stage. Si Principal.

"Tayo ay magsitayo lahat." Sambit pa nito kaya napatayo kaming lahat.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now