CHAPTER 8

81 10 0
                                    

SILVER's POV

"Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sakin ni Ricca.

Ang babaeng matagal ko nang mahal pero hanggang ngayon di ko pa masabi sa kanya tong nararamdaman ko dahil natatakot akong layuan nya ako.

We're friends since first year high school pero magkaiba kami palagi ng section. Laging sina Gerone at Lui ang nagiging kaklase nya.

"O-oo.. Medyo masakit lang tong panga ko dahil sa lakas ng pagkakasapak sakin nung Maya-bang na yun." May galit na usal ko pa saka naman nya ako tiningnan ng masama.

"Why? Is there any problem?" Nakakunot noong tanong ko pa sa kanya.

Nandito pala kami sa clinic at sinamahan nya ako tutal naman daw eh vacant nila.

"Why you keep calling her in that name?? She does'nt deserve it." May inis na sagot nya sakin.

Napangiti naman ako saka ko pinisil ang magkabilang pisngi nya. Hehe. Ang cute kase.

"She deserve it. Ok? Mayabang naman kase talaga sya eh. Bagay lang na tawagin syang ganyan." Nakangiti pa ring sagot ko sa kanya.

"Psh. Babae din ako kaya nararamdaman ko rin yung nararamdaman nya. Kaya ka nga nya sinasaktan dahil dyan sa mga pinagsasabi mo sa kanya eh." Napapairap na sagot pa nya sakin.

Napatawa na lang ako ng mahina. Ang cute talaga ng mahal ko kapag nagagalit.
Yun nga lang, di nya ako mahal. Awts. Pero ok lang, mahal ko pa rin sya. Hehe.

"Tss. Eh anong gusto mong itawag ko sa kanya? Ibon?" Tanong ko naman sa kanya habang nakasimangot.

"Ibon? Ano na naman ba yan, Silver?" Naiinis na nga talaga nyang tanong sakin.

"Maya naman ang pangalan nya. Ibong Maya. Bwahahahaha.." Corny siguro sinabi ko kaya napabusangot sya.

Tsk. Mga babae talaga di ko maintindihan kung ano ba talagang gusto nila.

"Bahala ka dyan! Aalis na ako." Akmang tatayo na sana sya ng hawakan ko ang kamay nya para patigilin ito saka ako nag-pout sa harapan nya.

"Tinutuyo ka na naman ba?" Nakangising tanong ko sa kanya.

Binitawan naman nya ang kamay ko at mas lalong napasama ang paningin nya sakin.

"Hindi ako tinutuyo.. Ayaw ko lang talagang may mga sinasabi kang hindi maganda sa kapwa ko babae." Nakasimangot na sagot nya sakin habang nakatayo na sya dito sa harapan ko dahil nakahiga ako ngayon dito sa clinic bed.

"Tss. Hindi naman yun babae eh." Pabiro kong sagot sa kanya kaya mahina nyang tinapik ang braso ko saka nya ako sinamaan ng tingin.

"Tigilan mo na sya. Hindi ka dapat nananakit ng babae." Seryoso na nya itong saad kaya natigil ako.

"Ok. Basta hayaan mo akong ihatid-sundo kita sa room nyo simula ngayon." Sagot ko sa kanya.

Lagi nya kase akong tinatanggihan tuwing gusto ko syang ihatid at sunduin sya sa room nila dahil lagi nyang sinasabing kasama naman daw nya sina Gerone at Lui para magbantay lagi sa kanya. Pero gusto ko kaseng ako ang gumawa nun sa kanya eh.

"Sige. Basta ipangako mo rin sa akin na h'wag mo nang papatulan si Maya. Ok?" Sagot naman nya kaya tumango-tango ako saka ko pinampag ang gilid ng kama ko para maupo sya rito.

MAYA's POV

Napatingin ako sa relos ko pagkalabas ko nang library. Lunch break na kaya sigurado akong nasa canteen na naman si Freya kaya dederetsu na lang ako roon.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now