CHAPTER 21

62 9 0
                                    

MAYA's POV

Gabi na kaya kailangan ko nang makauwi..
Nandito kase ako sa park para magmuni-muni.. At kagagaling ko sa T.C kanina.

"Kumain ka kase ng gulay para maging-healthy ka." Rinig kong sambit nung babae sa lalake habang nakaupo sila sa may bench di kalayuan sakin.

Patayo na ako at akmang maglalakad na nang mapako ang paningin ko sa kanila.

"Tsh. Sweet." Mahina ngunit sarkastiko kong saad habang nakatingin ako sa kanila.

"Kakakain lang natin kanina diba? Pinilit mo nga ako eh." Nakabusangot naman na sagot nung lalake kaya mas lalo akong napangisi.

"PDA." Tanging naibulalas ko bago ko sila lagpasan sa kinaroroonan nila.

Mabilis kong pinaandar at pinatakbo ang sasakyan ko kaya mabilis din akong nakarating dito sa bahay nina Dwayne. Napapabuntong hininga pa ako bago pumasok sa loob.

"D-dwayne.." Naibulalas ko nang papasok na sana ako sa loob nang nasa may pinto pala si Dwayne na masamang nakatingin sakin.

"Saan ka galing?" Seryosong tanong nya na diretsu pang nakatitig sakin.

"Wala." Malamig na sagot ko kaya napaawang ang bibig nya.

"Aba't... Sabi mo sandali ka lang kanina? Eh ba't ngayon ka lang ha? Sinong kasama mo? At bakit di ka agad nakauwi? Anong oras na oh!" Dere deretsung tanong nya kaya napakunot ang noo ko.

"It sounds like you're my father."Mahinang bulong ko habang nakanguso sa kanya.

"H-hoy!—" Tinuro pa nya ako bago ulit mapaawang ang bibig nya. "H'wag ka na lang umuwi pag ganyan ka.. Dapat nga magpasalamat ka pa at pinapatuloy ka pa namin dito." Seryosong dagdag pa nya kaya ako naman ang napaawang ang bibig at seryoso ring napatingin sa kanya.

"Magbabayad ako ng renta." Walang emosyong sagot ko kaya napatigil sya saka sya tumungo. "Pasok na ako." Saad ko pa at linisan ko na sya duon.

Pagkapaso ko ay agad bumungad sakin si tita Dianna na may hawak na malaking mangkok na nakasuot pa ng apron.

"Saan ka galing?" Malamig pa na tanong nya nang matalikuran ko sya. Tumigil naman ako sandali para sagutin sya ngunit di na ako humarap pa sa kanya.

"Dyan lang po." Malamig din na sagot ko saka na ako umakyat na sa taas.

'Wag kang mag-alala Dwayne, maghahanap ako ng trabaho para makabayad ng renta dito sa bahay nyo.'

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong napabagsak ng katawan sa kama.

"Kain na!" Napabalikwas ako sa kama nang may marinig akong malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto.

Mapupungay ang mga matang binuksan ang pinto saka ako lumabas.

"So, magbabayad ka ng renta mo dito sa bahay?" Seryosong tanong sakin ni tita habang papaupo pa lang ako.

"O-opo." Sagot ko habang sa mga pagkain lang ako nakatingin.

"Then good." Nakangising sagot naman nya kaya napatingin ako sa kanya. "Yes Anything?" Sarkastiko pang tanong nya sakin kaya isinawalang kibo ko na lang.

Tahimik lang kaming kumakain at tanging taginting lang ng mga kutsara't tinidor lang ang maririnig.

Pagkatapos naming kumain ay agad akong nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin kaya pumayag agad si tita.

At nang matapos ay agad na akong nagshower saka ako natulog na..
..... z z z z z Z Z Z Z Z Z Z z z z z z .....

KINABUKASAN

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now