CHAPTER 24

54 8 0
                                    

SILVER's POV

Ngayong alam ko na kung sino ang pumatay kay Khiel, hinding hindi ko sya hahayaang maging masaya habang nandito sya sa lupa!!

"Silver kung ano man ang dahilan ni Maya dahil sa pagkamatay ni Khiel, sana tanggapin na lang natin.. Matagal nang pa—"

"Can you stop talking Lui?!!"

"But Khiel is already dead!"

"Yes.. You really knew it.. What's new Lui? Ha! Like what the fuck!! Hustisya ang kailangan ko sa pagkamatay ni Khiel.. Hustisya! Alam mo ba yun ha!??"

Kasalukuyan kaming nagsisigawan ni Lui dito sa may rooftop ng building namin at sobrang naiinis ako kase mas kinakampihan pa nya ang Mayabang na ibon na yun.

"Alam ko.. Pero mas gugustuhin pa ni Khiel na manahimik ka na lang dahil alam kong nasa pangangalaga na sya nang Diyos."

"SHUT UP, LUI! I said SHUT UP!"Nanggagalaiti ko syang tinitigan dahil hindi sya nagpapatalo. "You just talking nonsense!" Sigaw ko pa kaya napapikit sya sandali saka nya ako tinitigan ng parang nakikiusap.

"You knew your cousin, Silver.. Mabait sya. At alam ko ring mahal na mahal ka nun. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" Malumanay nyang tanong sakin kaya napaiwas ako agad ng tingin sa kanya at sa malayo ako tumingin.

"Hindi mo ako naiintidihan, Lui..."Napapailing na sagot ko habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya nang lumabas.

"P-pero—"

"That's enough.. Gusto ko munang mapag-isa. Please." Nakikiusap na saad ko kaya unti-unti nya akong nilapitan saka nya ako tinapik ng mahina sa balikat at umalis na.

Napaluhod naman ako saka ako tumingala sa langit at mariing pumikit.

"Khiel—kung naririnig mo man ako ngayon, I'm really really sorry.. Sorry.."Mahinang sambit ko saka na nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Kagabi kinausap ako ni kuya.

FLASHBACK

May tatlong katok akong narinig mula sa pinto ng kwarto ko kaya kahit na medyo tinatamad na ako dahil inaantok na ako ay binuksan ko pa rin.

"Kuya.. ikaw pala."Pagkabukas ko ay agad na bumungad si kuya na mukhang namumugto na ang mga mata.

"Pwede ba tayong mag-usap?"Malumanay na tanong nya kaya agad akong tumango saka ako naunang naglakad papunta sa higaan ko at naupo.

Naupo naman sya sa harapan ko which is may single sofa na naroroon.

"Anong pag-uusapan natin kuya?"Tanong ko pa kaya agad syang napabuntong hininga.

"I knew already who killed Khiel."Naluluhang sambit nya kaya napaawang ang bibig ko saka ko sya tinitigan ng nagtatanong look.

"T-the who??"Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Y-yung kaklase m-mong d-dinala mo d-dito nung i-isang araw." Nauutal at naluluha nyang sagot kaya agad akong napatayo saka ako napahilamos sa mukha.

"Si Maya!??" Sigaw ko sa kanya at tumango naman sya.

Mabilis akong lumapit sa pader saka ko ito malaka na sinuntok kaya napatayo si Kuya at lumapit sakin.

"Pina-imbestigahan ko sya." Usal nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.

COLD INTO HOT Where stories live. Discover now