CHAPTER 26

62 8 0
                                    

MAYA's POV

Si Gascon na naman ang instructor namin. Nakakasawa naman ang boses. Tss.

White board marker, araser, at attendance sheet lang ang tanging hawak nya papasok dito sa room namin. Ganyan sya katalino.

"Good afternoon class." Bati nya agad samin sa seryosong paraan.

"Good afternoon sir." Kinakabahan man sila ay tumayo parin sila. Tumayo naman ako ngunit wala ni anong kaba na nararamdaman.

"Sit down!" Utos nya na sinunod naman ng lahat.

Pagkaupo namin ay agad syang napatingin sa gawi ko. Putek! Una palang sakin na nakatingin. May gusto ba sakin ang lecturer na ito? Ako lagi inuunang makita eh. Tsk. Tsk. Tsk.

"Delos Reyes.." nakangising tawag nya sakin kaya napatingin na naman ang mga kaklase ko sakin. "Kamusta?" Sarkastikong tanong nya sakin kaya tiningnan ko lang sya sa walang emosyong umuukit sa mukha ko. "Bumait ka na ba, ha?" Dagdag pa nito.

"Magtuturo ka ba o makikichismis?" Walang emosyong tanong ko sa kanya saka ako napatingin sa hawak nyang marker.

Napanga-nga naman sya saka dinuro ako kahit nasa harapan sya.

"Aba't—nanagot ka parin ng pabalang?!" Sigaw nya sakin habang umiigting ang panga nyang mabalbas. Tss. Di marunong mag-ahit.

Hindi ko na lang sya pinansin at humalukipkip na lang ako. Wala akong ganang makipagsagutan sa makitid nyang utak at kung ano-ano ang naiisip na mababahong salita sa bibig.

"Delos Reyes!!" Matigas na tawag nya saka nya ako nginisihan.

'May kalokohan na naman ang shutangina!'

"Give me 10 famous scientists! Now!"walang paligoy-ligoy na utos nya sakin habang mahigpit na nakahawak sa marker at eraser na hawak nya. Nakangisi pa ang gagu!

"Hala grabe naman."
"Masasagot nya kaya?"
"Sobrang dami eh."
"Malamang hindi, ako nga di ko pa alam eh." Bulongan nang mga kaklase namin.

"QUIET MGA BOBO!" Pigil sa kanila ni sir Gascon. "Makinig kayo sa isasagot nya dahil kung hindi, isa-isahin ko kayo mamaya!" Sigaw pa nya na ikinatigil naman nilang lahat. "Oh ikaw, simulan mo na. Dali." Utos nya sakin kaya tumayo na ako saka ko sya tinitigan.

"Luis—"

"I need complete answer!" Putol nya sakin kaya napapamura na lang ang utak ko dahil sa kajologsan nang lecturer na'to.

"The ten famous scientists that I know are Luis Alvarez, André Marie Ampère, Anaximander, Mary Anning, Archimedes, Aristarchus, Aristotle, Amedeo Avogadro, Francis Bacon, and Alexander Graham Bell." Dere-deretsung sagot ko saka ako akmang paupo na nang pigilan nya ako.

"Ang galing. Akala ko di nya alam."
"Ako nga rin eh, akala ko rin di nya alam."
"Sana ganyan din ako katalino."
"Sinabi mo pa.." bulungan na naman nila kaya isa-isa silang tiningnan ni Gascon ng masama. Agad naman silang natahimik at napatungo na lang.

'Shutangina ka sagad to the bones! Ano na naman ba Gascon??'

"Masyado kang mayabang, kaya kailangan kong malaman kung hanggang saan yang talino mo.." napapangisi at masamang tinging iginawad nya sakin. "Lahat nang sinabi mo, i-explain mo kung sino-sino sila." Utos ulit nya na ikinangisi ko naman.

Matapos kong sagutin ang iniuutos nya kanina, uutusan ako ulit. Kung di ba naman ginagawa na akong assistant nya at balak nya akong gawing taga lecture. Kung hindiba naman katangahan ang tawag sa feeling matalinong lecturer na'to?

COLD INTO HOT Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora