CHAPTER 53

49 9 0
                                    

MAYA's POV

Nasa library kami ngayon at walang kibuan. Satingin ko ay galit na naman sakin si Freya dahil sa ipinakita ko kanina sa loob ng klase. Pero hindi ko naman na kailangan pang mag-explain sa kaniya o sa kanila. Sapat na yung nakita nila at nasaksihan kanina para makilala ang tunay na ako.

Nagbabasa ako ng tahimik at hindi sila pinapansin habang mahina silang nag-uusap-usap. Habang nagbabasa ako ay rinig na rinig ko naman ang bulungan nina Leinard at Monicqe sa tabi ko.

"Sige na kase, kausapin mo na.."

"Ba't ako? Ikaw na lang kaya.. Ikaw naman ang bakla satin eh."

"Ano?? Porket ba ako ang bakla, ako na ang kakausap sa kaniya?"

"Oo nga. Diba ikaw naman ang may kailangan sa kaniya?"

"Ano??"

"Eh diba, kailangan mong sabihin sa kaniyang may praktis kayo mamaya?"

"Ayy oo nga pala.. Pero natatakot kase ako. Baka di niya ako pansinin o di kaya, baka suntukin ako eh. Alam mo na.."

"Eh pano na niyan? Baka hindi siya makapagpraktis mamaya?"

"Yun na nga eh.."

Nasa library nga kami pero ang lakas naman ng bulungan ng dalawa. Alam ko naman na may praktis mamaya eh. Kaya nga dinala ko yung gitara ni Mac Dave para yun na muna ang gagamitin ko sa pagprapraktis. Hindi ko kase masyadong kabisado ang pwestuhan ng drum set ni Leinard sa bahay nila. May drum set ako pero mahihirapan akong dalhin lalo na at nasa bahay namin yun. At hindi ko yun madadala dahil nakamotor lang ako.

"Rinig ko kayo." Mahinang sabat ko sa usapan nila. Dahan-dahan silang napatingin sakin saka ko naman inilapag sa lamesa ang librong binabasa ko. "Magbubulungan na nga lang kayo, yung rinig ko pa. Sana gumamit na lang kayo ng mic para mas marinig ko pa." Walang emosyong dagdag ko pa saka ako tumayo.

Isinauli ko na ang libro sa book shelve saka na ako naglakad palabas ng library. Hindi ko na sila tinawag pa at bahala na sila kung susunod sila sakin o hindi. Malapit na rin kase ang time kaya kailangan ko ng makaalis na roon.

Habang naglalakad ako sa may hallway ay halos lumaki na ang mga nguso at halos lumuwa na rin ang mga mata ng mga kapwa estudyante namin sa kakatingin at kakachismis. Mukhang ako na naman ang pinag-uusapan nila. Siguro ay tungkol na naman ito sa nangyari kahapon sa gym. Pero wala akong dapat ikabahala dahil alam kong wala naman silang alam sa nangyayari sa buhay ko.

"Grabe noh? Hindi naman pala siya tunay na Amethyst pero kung makaasta akala mo siya ang may-ari ng eskwelahang ito."

"Oo nga. Saka hindi ba siya nahihiya? Dikit kase siya ng dikit kay Silver. Buti sana kung kasing-sexy niya at kasing-ganda niya si Ricca."

"Akala mo kung sinong babae pero napakabaduy naman."

"Siguro ay katulong lang siya ng mga pamilya Amethyst."

"Yun nga rin ang alam ko eh. Katulong lang siguro siya."

"Ang dapat kase sa mga kagaya niya, pinapatalsik sa paaralan natin."

"Tama. Dapat hindi nila pinapapasok ang katulad niyang pangit na nga, baduy pa. Hmpt."

Sa dinami-rami ng mga pinagsasabi nila sakin ay halos hindi ko na rin namalayan na nandito na pala ako sa building namin. Pero bago pa ako tuluyang makaakyat sa hagdanan ay may tatlong babae na namang pababa ng hagdan habang papalapit sakin. Napatingala ako sa kanila dahil nasa baba ako at nasa taas sila. Nakangisi at nakahalukipkip sila habang nakatingin sila sakin. Hanggang sa nasa harapan ko na sila at isang hagdanan na lang ang agwat nila sakin.

COLD INTO HOT Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon